^

Punto Mo

Babae at lalaki, hubo’t hubad na magkayakap sa tuktok ng pyramid sa Egypt

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG video na nagpapakita ng babae at lalaki na magkayakap ng hubo’t hubad habang nasa tuktok ng Great Pyramid of Giza ang nagdulot nang malaking kontrobersiya sa mga taga-Egypt. Tatlong minuto ang tinagal ng video.

Nagsimula ang video habang umaakyat ang lalaki at babae sa Great Pyramid of Giza. Makikita rin sa video ang skyline ng Cairo bilang background.

Nang marating nila ang tuktok ng pyramid, naghubad ng shirt ang babae. Matatapos ang video na nagpapakita sa dalawa habang magkayakap nang hubo’t hubad.

Sabi ni Khaled al-Anani, Minister of Antiquities ng Egypt na paglabag sa moralidad ng Egypt ang ginawa ng dalawang dayuhan. Paiimbestigahan umano niya sa attorney general ang insidente pati na rin ang video.

Ayon naman kay Ashraf Mohi, director general ng Giza Plateau, peke ang video dahil mahigpit ang seguridad sa pyramid at maliwanag din ang paligid nito.

Magiging bahagi raw ng imbes­tigasyon ang pag-alam sa kung paano nakapuslit ang dalawang banyaga sa mahigpit na seguridad sa lugar at kung paano sila nakaakyat sa tuktok ng pyramid nang hindi nahuhuli. Idinagdag pa ni Mohi na may 18-kilometrong bakod na nakapalibot sa pyramids at guwardiyado ito.

Illegal din ang pag-akyat sa pyramids sa ilalim ng batas ng Egypt kaya ang ginawa ng dalawang dayuhan ay pambabastos sa kanilang bansa at sa konserbatibong kultura nila.

vuukle comment

GREAT PYRAMID OF GIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with