^

Punto Mo

EDITORYAL - Hamon sa LTO at LTFRB, mga lumang truck huwag nang irehistro

Pang-masa
EDITORYAL - Hamon sa LTO at LTFRB, mga lumang truck huwag nang irehistro

LUMA na umano ang 10-wheeler truck na umararo sa isang bakery, apartment at 20 pang sasakyan noong Sabado ng gabi na ikinamatay ng anim na pasahero kabilang ang isang sanggol at bata sa Sta. Rosa, Laguna. Ayon pa sa report, 14 na iba pa ang grabeng nasugatan sa pag-araro ng truck na nawalan umano ng preno. Ayon sa mga nakasaksi, sobrang bilis umano ng takbo ng truck. Tumakas naman ang drayber at hanggang ngayon ay hinahanap pa ng mga pulis. Ang pahinante ng truck ay sumuko na. Sabi ng may-ari ng truck, sasagutin nila lahat ang gastusin ng mga namatay at ganundin ang mga nasugatan.

Naganap ang insidente dakong 11:40 ng gabi sa kahabaan ng Sta. Rosa-Tagaytay road sa Bgy. Sto. Domingo. Galing umano ang truck sa Tagaytay at patungo ng Sta. Rosa para magdeliber ng construction materials. Kahit umano pa-zigsag ang kalsada sa lugar, mabilis pa rin ang pagpapatakbo ng drayber.

Hanggang sa isang kurbada ay nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber at tuluy-tuloy na sinuyod ang 20 sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan at saka inararo ang bakery at apartment.

Sabi ng mga residente, nagising na lamang umano sila sa lakas ng pagbangga. Nang kanilang tingnan, wasak na wasak ang truck at ganundin ang mga binangga nito. Nahirapan namang alisin ang mga naipit sa nawasak na bakery na noon ay kasalukuyang natutulog.

Isinugod sila sa ospital subalit ang iba ay dead on arrival na dahil sa matinding sugat na natamo.

Marami nang insidente na sangkot ang mga dispalinghadong truck. Marami nang namatay dahil sa mga ito sapagkat nawalan ng preno. Kahit 15 o 20 taon na ay binibiyahe pa kaya ganito ang resulta. Mga walang malay na sibilyan ang namatay at naperwisyo.

Lagi na naming sinasabi sa LTFRB at LTO na huwag nang bigyan ng prankisa at irehistro ang mga bulok na sasakyan. Pero bakit nasa kalsada pa rin sila. Magkano ba nilagay nila para mairehistro?

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with