^

Punto Mo

Pugante, sumuko sa mga pulis sa pamamagitan ng facebook

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKUHA ng isang lalaki mula Richland, Washington, ang loob ng mga pulis sa nasabing lugar matapos siyang sumuko sa mga ito sa pamamagitan ng Facebook.

Nag-post ang Richland WA Police Department sa kanilang official Facebook page noong nakaraang Nobyembre 28, kung saan ipinakita nila ang letrato ni Anthony Akers na kanilang pinaghahanap.

“Wanted Wednesday!” saad ng post ng police department.

“Anthony Akers (38) is wanted by the Department of Corrections for Failure to Comply.”

Isang araw lang matapos ma-ipost ang kanyang larawan ay nag-komento mismo si Akers at nagsabing relax lang ang mga pulis dahil siya ay susuko rin.

“Calm down, I’m going to turn myself in,” saad ng komento ni Akers sa post ng mga pulis

Nag-reply naman ang police department sa komento ni Akers ng sumunod na araw, (Nob. 30) at nagsabing maari silang tawagan ni Akers sakaling kailangan niya ng sasakyan papunta sa presinto.

Nagpatuloy pa ang usapan ng mga pulis at ni Akers matapos magpasalamat ang pugante sa alok na sakay ng mga pulis. Nagpaliwanag din siyang may kailangan lang siyang asikasuhin at kusa rin siyang susuko pagkalipas ng 48 oras.

Sa kabila ng pangakong iyon, hindi naman nagpakita si Akers sa mga kinauukulan kaya nag-post muli ang mga pulis sa kanilang Facebook page, kung saan ipinahiwatig nila ang kanilang pagkadismaya sa hindi pagsipot ni Akers sa kanilang napagkasunduang oras.

Nag-reply naman si Akers sa post ng police department at humingi siya ng tawad sa hindi niya pagtupad sa ipinangako niyang oras ng pagsuko. Muli ay nangako siyang susuko, sa tanghali ng susunod na araw.

Nangako rin siyang sakaling hindi siya makarating ng tanghalian ay siya na mismo ang tatawag sa mga pulis upang siya’y sunduin.

Sa pagkakataong iyon, tumupad na sa usapan si Akers, na nag-post pa ng selfie sa kanyang sariling Facebook page na nagpapakitang nasa elevator na siya paakyat ng presinto.

vuukle comment

FACEBOOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with