^

Punto Mo

May tamang lugar, panahon ng pagtulong!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga, lilinisin nang tuluyan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang sangkaterbang nagkalat na nagpapalimos partikular sa mga lansangan sa Metro Manila.

Talagang marami na ring mga motorista ang nakakapansin sa pagdagsa ng mga ito, kung saan malaki ang banta nang panganib hindi lamang sa mga nagpapalimos kundi maging sa mga motorista.

Nangako si NCRPO chief Director Guillermo Eleazar na tututukan nila ang paglilinis sa mga nagpapalimos para na rin sa kanilang kapakanan ng mga ito na mailayo sa panganib at disgrasya sa lansangan.

Namimihasa umano ang marami kaya nagpaalala ang NCRPO chief sa mga naglilimos.

May tamang dako at panahon nang pagtulong at hindi dapat na kunsintihin ang naging gawi na ng iba.

May report din kasing natanggap ang NCRPO, na may ilang nagmamalimos na kapag hindi nagbigay ang motoristang hinihingang, madalas ginagasgasan ng mga ito ang sasakyan, may ilang hinahataw at sinisira pa ang side mirror.

San ka naman nakakita na sapilitan ang panghihingi at kapag ‘di ka nagbigay, ikaw pa ang peperwisyuhin.

May nakalaan din palang kaparusahan sa mga nagbibigay ng limos lalu na sa lansangan sa ilalim ng anti-mendicancy law.

Layon ng batas na ito na maiwasan nga ang pagkalat at pagdami ng mga namamalimos sa kalsada.

Nakikipag-ugnayam na ang NCRPO sa mga barangay at iba pang ahensya ng pamahalaan para mailigtas lalu na ang mga kabataan na nanlilimos sa lansangan na maaaring maging peligro sa kanilang buhay.

Nakasasama, ayon naman sa DSWD ang palagiang pagbibigay ng limos sa mga bata dahil nabubuo sa kanilang isipan na hina na kailangang mag-aral o magtrabaho para kumita, hanggang sa ito na ang kanilang kalalakihan.

Aalamin din ng NCRPO kung may grupo ng sindikato ang humahawak sa sangkaterbang at nagkalat na nagpapalimos ngayon sa lansangan.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with