^

Punto Mo

Labanan sa next PNP chief, nagsimula na?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

KAYA pala pinilit ni Sr. Supt. Vicente Danao na maupo bilang hepe ng Manila Police District (MPD) ay para gawin itong take-off point sa ambition niya na maging chief ng Philippine National Police (PNP). Puwede, di ba mga kosa? Kaya lang kailangan ni Danao nang sangkaterbang accomplishments para maiangat, hindi lang ang MPD, kundi pati na ang ambisyon niya. Me naramdaman ba kayo sa MPD sa ngayon, mga kosa?

Kung sabagay, hindi naman kasi madali para mailuklok ni President Digong si Danao sa trono ng PNP dahil kailangang magtrabaho siya at nang makumbinsi ang madlang people na karapat-dapat siya maging PNP chief.

Kasi sa totoo lang, hindi lang naman si Danao ang nag-aambisyon na maging PNP chief dahil magiging mahigpit niyang karibal ang kaklase niya sa Philippine Military Academy (PMA) Class ‘91 na si Chief Supt. Filmore Escobal, ang hepe ng Police Security and Protection Group (PSPG) sa Camp Crame.

Masasabi kong kapwa bata ni Digong sina Danao at Escobal at kapwa naman sila qualified na maging PNP chief. Sa ngayon, lamang si Danao dahil sa MPD may matawag akong media mileage siya samantalang sa PSPG, aba tahimik lang ang bakuran ni Escobal. Araguuyyy! Hak hak hak! May the best man win, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Subalit ang pangarap nina Danao at Escobal ay maaring mangyayari lamang sa huling yugto ng termino ni Digong. Sa ngayon kasi ang mahigpit na naglalaban para sa PNP chief ay ang mag-mistah na sina 3-star generals Archie Gamboa at Camilo Pancratius Cascolan, ang No. 3 at No. 4-man ng PNP.

May umugong pa nga na si Cascolan ay uupo na bilang PNP chief nitong buwan na ito subalit sa darating na Nobyembre pa ang retirement ni PNP chief Dir. Gen. Oscar Albayalde. Eh kung papalitan na si Albayalde, dapat may semplang siya subalit wala naman akong nabalitaan.

Sa tingin nga nang maraming nakausap ko ay matining ang takbo ng PNP sa ngayon, di ba mga kosa? Si Cascolan ay tubong Davao samantalang si Gamboa naman ay taga-Davao ang asawa. Get’s n’yo mga kosa? Pero sa lahat ng labanan mga kosa may tinatawag na «darkhorse» at sa patimpalak sa PNP chief ‘yon ay walang iba kundi si NCRPO chief Dir. Guillermo Eleazar.

Hindi na siguro kailangang ipakilala ko sa inyo nga kosa si Eleazar dahil halos araw-araw itong laman ng diyaryo, TV at radyo dahil sa sangkatutak na accomplishment niya. Kaya «darkhorse» si Eleazar dahil hindi siya taga-Davao subalit hindi hadlang ito sa pagiging PNP chief dahil tulad din siya sa kaso ni Albayalde na «from the outside.» Ang kaigihan lang, si Eleazar ay magreretiro sa 2021 at kahit mauna sina Gamboa at Cascolan, puwede pa siya.

Kaya habang naghihintay sina Danao at Escobal ng panahon nila, puwede muna silang manood ng sarsuela nina Gamboa, Cascolan at Eleazar. Pero sa tingin ng mga kosa ko, babangungutin ang ambisyon ni Danao ng P600,000 bidding niya sa mga sugal lupa sa Maynila, di ba President Digong, Sir? Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with