^

Punto Mo

Pag tama kayo, saludo; Pag mali, hambalusin ko kayo!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAGIGING suplado at maangas ako dahil ayokong may inaabuso’t naaagrabyado.

Sa BITAG Action Center, kapag may inilapit na reklamo ay responsibilidad naming umaksyon at solusyon agad, wala nang marami pang satsat.

Kamakailan lang, isang pobreng delivery man ang lumapit sa Bitag–Kilos Pronto upang ireklamo ang kanyang pinagtatrabahuhan na Delivery Exponent Agency.

Agosto ngayong taon nang siya’y maaksidente sa daan habang nagdedeliber ng pizza. Sinagot naman ng kompanya ang bayarin sa ospital na mahigit P39,000.

Ang siste, isang malaking palabas lang pala ito ng kompanya dahil ang SSS sickness be-nefits na P33,000 ng pobre ay sila ang kumubra dahil kompanya umano ang nagpaluwal ng mga bayarin sa ospital.

Hoy, Delivery Exponent Agency! Makinig kayo, magsimula na kayong magdasal na tama ang ginawa n’yo dahil kapag mali, hahambalusin ko talaga kayo!

Sinasabi ko sa inyo, hindi makatao at estilong pangungulimbat ‘yang ginawa n’yo.

‘Yung benipisyong kinuha ninyo ay para sana sa empleyado n’yo. Pangtustos ng kanyang mga gamot at pagkain habang ‘di pa nakakabalik sa trabaho.  Kung hindi ba naman kayo mga sandamakmak na ijo de puto’t kutsinta!

Nadisgrasya na nga yung tao, gugulangan n’yo pa! Imbis na may panggastos yang empleyado n’yo habang nagpapagaling ay kinulimbat n’yo pa!

Suplado na ba ako? Oo! Kailangan kong maging maangas, hindi ako papayag na may nang-aagrabyado at mapanlamang na kumpanyang katulad nito!

Kaya naman inilapit agad namin ang reklamong ito sa SSS na hindi naman nagdalawang isip na tulungan makapagsampa ng kaso ang pobre sa kanyang employer.

Sisiguruduhin ng Bitag-Kilos Pronto na hindi madedehado ang biktima at makukuha ang benipisyong para sa kanya.

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with