^

Punto Mo

Asong nakaligtas sa wildfire, 1 buwan nagbantay sa natupok na bahay ng amo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG aso na nakaligtas sa matinding wildfire na sumunog sa libong bahay sa Northern California ang matiyagang nagbantay sa natupok na bahay ng kanyang amo ng halos isang buwan hanggang sa bumalik ito.

Lumikas si Gaylord noong fled 8 nang sumiklab na ang wildfire na lumamon sa kanyang bayan na may populasyon na 27,000.

Dahil hindi na niya nagawang maisama ang kanyang aso na si Madison ay pinakiusapan niya ang isang animal rescuer na hanapin ang kanyang alagang Anatolian shepherd.

Sa kabutihang palad ay nakaligtas si Madison sa apoy at agad itong natagpuan ng animal rescuer na si Shayla Sullivan kung saan nagtago ito mismo sa bahay ni Gaylord ilang araw lamang ang nakalipas.

Bagama’t mailap si Madison, sinigurado raw niyang hindi magugutom ang aso kaya iniiwanan niya ito ng tubig at pagkain araw-araw, ayon kay Sullivan.

Kaya naman nasa mabuting kalagayan si Madison nang muli silang magkita ng kanyang amo na si Gaylord, na dinalhan siya ng paborito niyang biskwit para sa kanyang ginawang pagbabantay ng kanilang bahay.

Wala na raw mas masuwerteng amo pa kaysa sa kanya dahil sa ipinakitang katapatan ni Madison, ayon kay Gaylord.

vuukle comment

WILDFIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with