^

Punto Mo

Utol (71)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPAALAM si Ge-rald kay Nanay Julia at Nanay Luisa.

“Pupunta po uli ako sa Liliw at baka naroon si Xander. Sabi ng lalaking kausap ko sa Maynila, hindi na raw ito umuuwi sa bahay. Baka raw nasa Liliw ito.

“Mag-ingat ka, Gerald, “ paalala ni Nanay Luisa.

“Opo.’’

“Kailan ka babalik, Ge-rald?” tanong ni Nanay Julia.

“Babalik po agad ako, Nanay. Kung makikita ko roon si Xander at masasabi ko sa kanya ang huling habilin ni Papa, maaaring tapos na ang misyon ko. Maaari na akong makapagrelaks.’’

“Oo nga Gerald. Kailangan asikasuhin mo naman ang iyong sarili. Ibig kong sabihin, pagtuunan mo ng pansin ang iyong kinabukasan. Kailan ka ba mag-aasawa? Aba ay baka tumandang tinali ka. Sayang naman ang kaguwapuhan, ha-ha-ha!’’

Nagtawa rin si Gerald.

“Darating din po roon. Huwag kayong mainip.’’

“Sige, Gerald. Sana magkaasawa ka na.’’

“Aalis na po ako.’’

“Ingat ka.’’

Umalis na si Gerald.

Tamang-tama ang dating niya sa bus terminal. Paalis na ang bus. Sumakay siya.

Dalawang oras din ang biyahe niya patungong San Pablo. Tapos isang oras sa dyipni na patungong Liliw.

Sana, magbunga na ang pagtungo niyang ito para matapos na ang misyon niya. Napapagod na rin siya. Tama sina Nanay Julia na dapat asikasuhin naman niya ang sarili. Tumatandang binata na siya. Dapat makahanap na siya ng babaing pakakasalan niya.

Kapag nakausap na niya si Xander, saka pa lamang magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap niya.

Makalipas ang dalawang oras, nakarating ang bus sa San Pablo.

Lumipat siya ng dyipni na biyaheng Liliw.

Eksaktong alas diyes ng umaga ay nasa Liliw na siya. Hinanap niya ang simbahan. Malapit na roon ang bahay ni Nanay Lucing at Rosa na nagbigay sa kanya ng inpormasyon ukol kay Xander.

Tinungo niya ang simbahan.

Malapit na siya sa simbahan nang may tumawag sa kanya.

Nagulat siya!

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with