^

Punto Mo

8 weird habits ni Queen Elizabeth

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Lagi siyang may baon na sarili niyang dugo kapag nagbibiyahe. In case of emergency, may sigurado siyang gagami-ting dugo na galing mismo sa kanyang katawan. May kasama rin siyang doctor na kailangang alam ang lahat ng lokasyon ng ospital sa lugar na kanilang pupuntahan.

Ipinagbawal niya ang pagbubukas ng bintana. Bawal buksan ang mga bintana sa palasyo na nakaharap sa harapan at nakikita mula sa kalye. Magiging pangit ang hitsura ng palasyo kung may nakabukas at may nakasarang bintana. Para uniform, dapat ay nakasara lahat..

Naiinis ang reyna sa tunog ng ice cubes sa kanyang iniinumang baso kaya nagpagawa si Prince Philip ng special machine na gumagawa ng bilog na yelo. Mas maganda raw ang tunog ng bilog na yelo.

May isang special servant ang reyna na ang tanging trabaho ay isuot ang bagong bili niyang sapatos upang ito ay lumuwang ng kaunti. Sa ganitong paraan, hindi na siya dadaan pa sa pagiging uncomfortable sa pagsusuot ng bagong sapatos. Ang number one requirement sa magiging special servant ng reyna ay magkasukat dapat sila ng paa.

Ang isa pa niyang special servant ay tagalagay ng numero sa kanyang mga outfits. Coding iyon para gamitin sa pagre-record kung kailan ang damit huling isinuot at kung anong event ang pinaggamitan ng outfit. Kailangang gawin ito upang maiwasan ang pag-ulit ng kulay ng damit.

Mayroon din siyang sariling modista na binabago ang istilo o yari ng kanyang mga luma ngunit magaganda pang damit na ilang ulit nang naisuot.

Paborito niyang prutas ay raspberries pero kumakain lang siya kapag nag-iisa. Sumisingit sa ngipin ang buto nito at ito ay magiging isang malaking kahihiyan kapag natinga siya sa harap ng maraming tao.

Ipinagbabawal din niya na magsilbi ng blackberries sa official event sa palasyo. Samantalang okey lang magsilbi ng pipino at kamatis pero tanggalin muna ang mga buto nito bago ihain.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with