^

Punto Mo

Jojo Bernardo, may jueteng sa Albay!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

HINDI pala nagpabaya si Chief Supt. Arnel Escobal, ang director ng Bicol police, laban sa illegal gambling. Mula Nobyembre 22 hanggang 26 pala ay nagsagawa ng 27 operation ang mga bataan ni Escobal at 65 katao ang kanilang nahuli.

Sa post sa social media ng PRO5, walong operations ang isinagawa sa Albay, isa sa Camarines Norte, lima sa Masbate kung saan ang jueteng o STL-teng ang target nila. Siyempre, nag-operate rin ang PRO5 laban sa card games, dice, cockfighting, at pool kung saan P2,910 bet money ang nakumpiska.

At nangako si Escobal na ipagpatuloy pa niya ang kampanya laban sa illegal gambling sa tulong ng komunidad at mga stakeholders. Hak hak hak! Sana hindi nagbibiro si Escobal sa tinuran niya di ba mga kosa?

Kung si President Digong ay nag-joke tungkol sa paggamit niya ng marijuana, si Escobal kaya, nag-joke rin sa kampanya niya sa jueteng, STL-teng at iba pang sugal? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kasi nga, habang binabasa ko ang post ng PRO5 sa social media, panay naman ang tawag ng mga kosa ko sa Bicol na tuloy din naman ang jueteng ni Mangga sa lugar ni Albay Gov. Al Francis Bichara.

At hindi lang ‘yan, mga kosa! Hindi lang pala si Mangga ang nag-ooperate ng jueteng doon sa Albay kundi maging si Jojo Bernardo, na naka-base sa Camanava. Ayon sa mga kosa ko sa Bicol, si Mangga ang may pa-jueteng sa District 2 at 4, samantalang si Bernardo naman ang sa District 1 at 3.

Kapwa nais solohin nina Mangga at Bernardo ang Albay kaya’t medyo nagkakagulo rin sila, di ba Gen. Escobal Sir? Hak hak hak! Dahil sa jueteng nina Mangga at Bernardo, nabura nang tuluyan ang operation ng Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Albay. Bakit bakit tahimik sina PCSO Gen. Man. Alex Balutan at Dir. Sandra Cam sa jueteng at STL-teng sa Bicol? Di ba kaya itinatag itong STL ay para patayin ang jueteng? Bakit sa Albay ang STL ang namatay? Hehehe! Change is coming talaga, di ba Pres. Digong Sir? Get’s n’yo mga kosa?

Kapwa naman naka-payola sina Bernardo at Mangga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) hindi lang sa Field Office nito sa Albay kundi maging sa main office sa Camp Crame, ayon sa mga kosa ko. Kaya lang, noong panahon ni Dir. Roel Obusan para nakatali ang mga kamay niya dahil sa paretiro na siya noong Nobyembre.

Sa ngayon, pinalitan si Obusan ni Chief Supt. Amador Corpuz at siyempre tuloy din ang grasya niya. Araguuyyy! Maikumpas kaya ni Corpuz ang mga kamay na bakal niya laban kina Bernardo at Mangga? Anong sey n’yo mga kosa? Hak hak hak! Totoo kaya na nag-aapply ang tropa ni Baby Marcelo na maging pagador ni Corpuz? Ayon sa grupo ni Baby Marcelo, kokonting pitsa lang ang nakakarating kay Corpuz at mapapalaki nila ito. Hehehe!

Kapag kinagat ni Corpuz ang bid ng tropa ni Baby Marcelo sasabog ang pangalan n’ya sa kalye tulad ni MPD director Sr. Supt. Vicente Danao na nagpa-bidding din, di ba Manila Mayor Erap Estrada Sir? Abangan

vuukle comment

ILLEGAL GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with