^

Punto Mo

Lalaki sa Netherlands, bigo matapos hilingin sa korte na bawasan ang kanyang edad ng 20 taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI pinagbigyan ng korte sa Netherlands ang hiling ng 69 anyos na lalaki na bawasan ng 20 taon ang kanyang edad sa ngalan ng pag-ibig.

Hindi pinayagan ng Arnhem District ang gustong mangyari ni Emile Ratelband na maging 1969 ang taon ng kanyang kapanganakan sa halip na 1949.

Kung papayagan daw kasi nila ito ay maaring kaharapin ni Ratelband ang mga katakut-takot na isyung legal.

Wala rin naman daw kasing pipigil kay Ratelband na mag-astang 20 taon na mas bata kaysa sa kanyang tunay na edad ayon sa mga hukom.

Kung aamyendahan kasi ang petsa ng kanyang kapanganakan sa mga opisyal na dokumento ay 20 taon na records ang mawawala mula sa kanyang register of births, deaths, marriages and registered partnerships, dagdag pa ng korte.

Katuwiran naman ni Ratelband na dahil sa kanyang edad ay nakakaranas siya ng diskriminasyon. Pakiramdam niya ay isa pa rin siyang bata lalo na’t nasa mabuti siyang panga-ngatawan. Gusto lang daw sana niyang kilalanin ito ng batas dahil naaagrabyado raw siya dahil sa kanyang edad, ayon sa nakasaad sa kasong kanyang isinampa.

Sa huli, hindi pa rin napagbigyan ang kanyang hiling nang ibinaba ng korte ang desisyon nito noong Lunes. Bagama’t marami na raw sa mga may-edad ngayon ang nakakaramdam na mas bata sila ay wala pa ring nakikitang sapat na dahilan ang korte para aprubahan ang pag-amyenda sa edad ni Ratelband.

vuukle comment

EMILE RATELBAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with