Utol (66)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - December 6, 2018 - 12:00am

“PALAGAY ko malapit na kayong magkaharap ni Xander, Gerald at dinadalangin ko na sana ay maging maayos ang pagkikita n’yo,” sabi ni Nanay Luisa na masyadong nag-aalala sa maaaring mangyari.

“Ang hindi ko lamang po maunawaan ay ang pagiging sanggano ni Xander. Galit daw ito sa mundo sabi ng mga nakakakilala. Maski ang mga matatanda sa Liliw na aking pinuntahan ay sinabing may pagkatarantado si Xander.’’

“Baka naman mayroon lang problema kaya nagkakaganoon.’’

“At maski nga ang mga taga-Earnshaw ay natatakot kay Xander sapagkat lagi itong nasasangkot sa gulo. Sabagay sabi naman ni Gemo, yung kaibigan ni Xander, kinukursunada ito ng mga tambay kaya lumalaban.’’

“’Yun naman pala. Siyempre kapag binu-bully kaila-ngang lumaban.’’

Napatangu-tango si Ge-rald. Naisip niya, pawang ku­wento lang ang narinig niya kay Xander at hindi niya sigurado kung totoo iyon. Siguro nga dapat niyang makita muna si Xander bago maniwala.

“Kaya nga po gusto ko na talagang magkita kami ng taong iyon para matapos na ang lahat nang mga isipin.’’

Napatango si Nanay Luisa.

ISANG araw, dinalaw ni Gerald ang libingan ng kanyang mga magulang. Pagpasok pa lamang niya sa gate ng sementeryo may nakita na siyang lalaking nakatayo sa harap ng musuleo.

Nakatalikod ang lalaki.

Nang bilisan niya ang paglalakad, mabilis ding umalis ang lalaki.

(Itutuloy)

UTOL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with