^

Punto Mo

Baka sa Australia, nakaligtas sa katayan dahil sa sobrang laki

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAY nadagdag na naman sa listahan ng mga kakaibang hayop mula sa Australia. Isang halos pitong-talampakang baka kasi roon ang naligtas mula sa pagkakakatay dahil sa kanyang angking laki .

Nasa 194 sentimetro o 6 na talampakan at 4.4 pulgada ang taas ni Knickers, na isang Holstein Friesian breed na baka. Nasa 1,400 kilograms ang kanyang timbang.

Pagmamay-ari ng ranch owner na si Geoff Pearson ng Lake Preston, Western Australia si Knickers, ayon sa ulat ng ABC news.

Nakaligtas ang dambuhalang si Knickers mula sa katayan dahil masyado siyang malaki para magkasya papunta sa processing plant.

Nakaisip naman si Pearson at ang kanyang pamilya ng ibang paraan para mapakinabangan nila si Knickers at ang kanyang kakaibang laki.

Dahil sa laki at  tangkad ni Knickers, palagi siyang nilalapitan ng ibang mga baka, ayon kay  Pearson. Kapag naglalakad, daan-daang mga baka ang sumusunod sa kanya.

Nagsisilbi tuloy si Knickers na isang landmark upang ma-laman ni Pearson kung saan naroroon ang kanyang mga baka.

Sa kabila naman ng laki ni Knickers ay hindi pa rin siya pasok sa Guinness World Records. Hawak pa rin ng bakang si Bellino mula Rome ang titulo para sa pinakamalaking baka sa mundo sa taas niyang 6 feet at 7 inches.

vuukle comment

AUSTRALIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with