^

Punto Mo

Lalaki sumabit sa glider nang malimutan ng piloto na suotan ng harness

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KINAILANGAN ng isang lalaki sa Florida na sumabit sa hang-glider na kanyang sinasakyan matapos makalimutan ng piloto na suotan siya ng harness.

Dahil sa kawalan ng harness, makikita sa kuhang video na kinailangan ni Chris Gursky na humawak sa pinaka-manibela ng glider at sa binti ng piloto para lamang hindi mahulog.

Si Gursky mismo ang nag-post ng video sa kanyang Youtube account nito lamang Lunes dahil kuha ito ng kanyang camera na nakapuwesto sa likuran ng glider.

Makikita sa video na nagsimula ang kamuntikan nang aksidente nang mapansin ni Gursky na hindi siya nakatali sa glider.

Napilitan tuloy siyang kumapit sa control bar ng glider gamit ang kanyang kaliwang kamay at sa binti ng piloto gamit ang kanyang kanan sa loob ng dalawang minuto at 14 na segundong flight.

Hinawakan naman ng piloto si Gursky gamit ang kanyang kaliwang kamay habang ang kanang kamay naman niya ang nagmamaneho sa glider .

Ilan daang talampakan din ang taas ng nilipad ng glider matapos itong manggaling mula sa tuktok ng isang bundok.

Sa kabutihang palad ay bali lang malapit sa kanyang kanang kamay ang natamo ni Gursky mula sa pangyayari. Wala namang balita kung magsasampa siya ng reklamo sa piloto ng glider dahil sa kapabayaan nito.

vuukle comment

CHRIS GURSKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with