^

Punto Mo

Kauna-unahang underground hotel sa mundo na nasa isang quarry, binuksan sa China

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAKALIPAS ang halos 10 taon ng konstruksyon, natapos na rin sa wakas ang kauna-unahang undergound hotel sa mundo na itinayo sa ilalim mismo ng isang abandonadong quarry sa Shanghai, China.

Nagkakahalaga ng 2 billion yuan, ang 88-metrong-lalim na hotel ay may opisyal na pangalan na Intercontinental Shanghai Wonderland, ngunit kilala rin ito bilang Shimao Quarry Hotel dahil sa lokasyon nito.

Mayroon itong mga “cliff-view rooms” kung saan makikita ng mga panauhin mula sa kanilang mga silid ang lalim ng hukay na kinatatayuan ng hotel.

Naglalaro ang presyo sa mga kuwarto mula 3,400 to 3,800 yuan (katumbas ng P26,000 – P29,000) kada gabi.

Ang punong arkitekto ng building ay si Martin Jochman na siya ring nag-disenyo ng Burj Al Arab sa Dubai.

Ayon sa mga may-ari ng hotel, wala dapat ikabahala ang mga panauhin sa kanilang kaligtasan sa kabila ng lokasyon ng gusali.

Kaya raw ng hotel kahit ang 9-magnitude na lindol at may anim daw itong pumping machines na hihigop sa tubig kaya hindi magiging problema ang baha kahit pa bagyuhin ang lugar.

Hindi pa tapos ang pag-develop sa abandonadong quarry dahil plano ng mga may-ari ng hotel na magtayo ng theme park sa paanan nito sa susunod na taon.

vuukle comment

INTERCONTINENTAL SHANGHAI WONDERLAND

UNDERGOUND HOTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with