^

Punto Mo

Utol (48)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DISMAYADO si Gerald na hindi ang hina-hanap niyang Xander ang nakaharap niya. Gusto na niyang itigil ang pagha-hanap at umuwi na lamang sa probinsiya para harapin ang marami nilang negosyo roon. Siya ang tanging nagmamay-ari ng kanilang mga ari-arian. Napapagod na siya sa paghahanap kay Xander na hindi niya alam kung narito sa kalyeng nilalakaran. Ang mahirap sa kanyang ginagawa, wala man lang number ang bahay o tirahan nito. Para siyang namamana sa dilim.

Pero kung hindi naman niya itutuloy ang paghahanap, kargo de konsensiya niya sapagkat naipangako niya sa yumaong ama na hahanapin ang anak nito sa maid na si Catalina.

Ngayon pa ba siya susuko? Ang mga sumusuko ay hindi kailanman nananalo sa laban. Kaya magpapatuloy siya sa paghahanap. Kapag nakita na niya si Xander saka pa lamang siguro siya mapapahinga sa mabigat na misyon.

Dalawang Xander pa ang hahanapin niya. Isa sa mga ito ay bakla gaya nang pagkakasabi ng matandang lalaki. Nakita na niya ang unang bakla at hindi niya alam kung saan makikita ang ikalawa pa.

Muli siyang nagtanong sa nakasalubong na babae para maging mabilis ang paghahanap.

“Mam may kilala kang Xander dito sa kalyeng ito?’’

“Si Xander? Oo. Ayun ang karinderya niya.’’

“Salamat!’’

Tinungo niya ang ka-rinderya. Pinagtanong niya ito sa nakabantay sa ka-rinderya.

“Mam saan po ba makikita si Xander?’’

“Ayun! Yung nakaupo sa silya!”

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with