^

Punto Mo

Selfie, nagligtas sa lalaki mula sa 99 na taong pagkakakulong

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUNG para sa iba ay kaartehan lang ang pagkuha ng selfie, para naman sa isang lalaki sa Texas ay naging daan ito upang mapatunayan ang kawalan niya ng sala.

Naharap si Cristopher “CJ” Precopia sa 99 taong pagka-kabilanggo para sa isang krimeng hindi naman niya ginawa – at ang tanging nagligtas sa kanya mula sa pagkabulok sa kulungan ay ang kanyang selfie.

Ayon sa 21 anyos na si CJ ay nagulat na lang siya nang bigla na lang siyang arestuhin ng mga pulis noong Sept. 22, 2017.

Hinuli siya ng mga ito matapos magsumbong ang ex-girlfriend ni CJ na pinasok daw nito ang kanyang bahay at saka siya binugbog at minarkahan ng “X” ang kanyang dibdib gamit ang cutter.

Ayon kay CJ ay hindi niya matandaan kung kailan niya huling nakausap ang babae dahil noong high school pa sila naging magkasintahan.

Sa kabila nito ay kalaboso pa rin ang inabot ni Precopia at sinampahan siya ng kasong burglary of habitation with the intent to commit other crimes – isang krimen na may parusang habambuhay na pagkakabilanggo.

Para siya’y pansamantalang makalaya ay naglabas ang mga magulang ni Precopia ng $150,000 (katumbas ng 7.8 milyong piso) na pampiyansa.

Tinulungan din nilang mapatunayan ang kawalang-sala ng kanilang anak matapos maalala ni Erin Precopio, ina ni CJ, na noong gabi kung kailan naganap ang sinasabing krimen ay kasama niya ang kanyang anak sa isang hotel.

Mayroon din siyang patunay – ang selfie na kuha mismo ng kanyang anak na may oras na 7:02 p.m.

Ayon sa nag-aakusa ay nangyari raw ang pag-atake ng 7:20 p.m sa kanyang bahay – na higit 100 kilometro ang layo mula sa hotel na tinutuluyan ni CJ at ng kanyang ina.

Sa huli ay ibinasura ang kaso laban kay CJ matapos i-presenta sa District Attorney’s Office ang  nasabing selfie.

Ayon sa abogado ni CJ ay masuwerte raw ang kanyang kliyente at solido ang alibi nito kaya malinaw na imposibleng naroon siya sa pinangyarihan ng krimen nang maganap ito.

Ngayon ay gusto nang mag-move on ni CJ mula sa bangungot na dulot ng maling bintang sa kanya. Plano niyang mag-sundalo kaya nag-apply na siya sa US Army.

vuukle comment

NAGLIGTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with