^

Punto Mo

Email tinatalo ng social media?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NOONG nakaraang buwan, napaulat ang isang survey ng Pulse Asia na nagsasaad na halos lahat ng mga Pilipino na nagbubukas ng internet ay gumagamit ng social media o merong mga sariling account dito. Pinalabas ang survey isang araw bago nagsimula ang pagsasampa ng certificate of candidacy ng mga kakandito sa halalan sa susunod na taon.

Binanggit pa sa survey na 47 porsiyento ng 1,800 respondent ay nakakagamit ng internet pero 98 porsiyento sa kanila ay nag-iinternet para sa social media. Lahat ng mga Pilipino na gumagamit ng social media ay may mga Facebook account, 17 porsiyento ang gumagamit ng Instagram, 11 porsiyento sa Twitter at dalawa hanggang tatlong porsiyento ang gumagamit ng LinkedIn at Pinterest.

Pero, ang isa ring kapansin-pansin sa naturang survey ay ang binanggit dito na, sa mga respondent dito, bumaba nang 20 porsiyento sa pag-aaral na ito ngayong taong ito ang mga gumagamit ng email. Bumaba nang 6 percentage point kumpara sa 26 percent sa kahalintulad na survey noong nakaraang taon. Ano ang ibig sabihin nito?

Hindi naman naipaliwanag sa survey ang maaaring dahilan ng pagkonti ng mga gumagamit ng mga email pero maaaring, sa aking palagay lang, ito ay dahil sa tila inaagaw na ng social media ang mga gawain at katangian ng mga email. Sa Facebook na lang halimbawa, maaari kang magpadala rito ng mga mahahalagang dokumento o litrato na mabilis ding nakakarating sa papadalhan. Ang mga word document ay maaari ring isakay sa messenger o sa private message nito kahit gaano pa ito kahaba. Marami na ring mga transaksyong may kaugnayan sa trabaho at negosyo ang naisasagawa sa pamamagitan ng messenger ng Facebook o maaaring ganito rin sa iba pang social media.

Maaari ring ganito rin ang senaryo sa ibang mga bansa na tila nahihigitan na ng social media ang mga email sa mga personal at opisyal na komunikasyon. Tila epektibo ang naging istratehiya ng Facebook may ilang taon na ang nakakaraan na maglagay dito ng email features. Pero hindi naman siguro ito maging dahilan para mamatay ang mga email. Malaking bagay pa rin at malaki pa rin ang silbi ng mga email tulad ng sa Yahoo, Gmail at Hotmail. (Anumang reaksyon sa kolum na ito ay i-email sa [email protected])

 

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with