Sexual harassment?
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - November 13, 2018 - 12:00am

TALK of the town sa Philippines my Philippines at maaring around the world ang istilong ginawa ni Amado Cruz matapos ikanta ng tatlong naggagandahang Miss Earth contestants sa pambabastos diumano sa kanila ng kelot na sponsor daw ng pageant.

Matapang at malakas ang loob ni Emma Mae Sheedy, ang Miss Guam candidate porke siya ang malakas ang loob ng itsu-tsu si Cruz sa organizer ng event.

Sinasabing si Cruz, ang umano’y sponsor sa kanilang event at owner ng sangkatutak na resto sa Philippines my Philippines.

Walang sawa raw sa paglapit kay Emma si Amado para bulungan ito para sa ‘sexual favors.’

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Nakakahiya noh!

Matindi ang ikinanta nina Miss Earth contestants Emma, Jaime Vandeberg, Miss Canada at Abbey Brown, Miss Britain dahil buwan ang itinagal ng pangungulit diumano sa kanila ni Amado kaya grabe ang trauma nila sa umano’y sexual harassment up to Nob. 3.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi ng tatlong reklamador para raw silang mga GRO sa mata ni Cruz?

Mukhang nakalimutan yata ni Amado ang tatlong bebot ay mga kawatan este mali kinatawan pala ng tatlong malalaking bansa kaya nakakatiyak tayo na nanggigigil dito ang mga kababayan nila.

Sabi nga, masasabunutan si Cruz kapag nagkataon ? Hehehe !

Kumalas si Miss Guam sa pagent at nag-say goodbye sa Philippines my Philippines sa buwisit sa ginawa sa kanya ni Amado.

Ikinanta pa ng mga bueaties na pinasayaw pa daw sila sa Manila Yatch Club ?

Hindi klaro sa reklamo kung anong klaseng sayaw ang pinagawa sa kanila.

‘Ano kaya ang ipapataw na parusa kay Amado sa pambabastos diumano nito sa mga beauty contestants ?’

Abangan.

* * *

PNPA blow job scandal, anyare ?

Mukhang pinalalamig ang imbestigasyon sa mga upperclassmen na sabit sa blow job scandal dyan sa PNPA dahil up to now ay itinatago pa rin ang mga pangalan ng mga ito.

Buwisit na buwisit siguro ang pamilya ng biktima porke niyo-yoyo

ang resulta ng imbestigasyon ?

Bakit ayaw ilabas agad ang finding tungkol sa blow job scandal ?

Sino ba ang pumipigil na mataas na opisyal dito ?

Ang PNP ba o ang PNPA ?

Abangan.

MISS EARTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with