Matatandang kandidato
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - October 28, 2018 - 12:00am

ILANG kilala at lubha nang matatandang personalidad sa pulitika ang nagiging tampulan ng biro, kantiyaw, insulto at pang-aasar sa social media dahil, sa kabila ng kanilang edad, naisipan pa rin nilang kumandidatong muli para sa halalan sa susunod na taon sa iba’t-ibang posisyon sa gobyerno.  Ilan sa mga matatandang kandidatong ito ang matatawag nang septuagenarian (edad mula 70 hanggang 79 anyos), octogenarian (edad mula 80 hanggang 89 anyos) at nonagenarian (edad mula 90 hanggang 99 anyos).  Wala pa naman akong nababalitaan habang isinisulat ito na meron na ring kandidatong centenarian o iyong may edad nang mahigit 100 taong gulang pero, kung meron man, tiyak na lilikha siya ng kasaysayan sa pulitika.

Hindi ko lang tiyak kung dahil sa kanilang mga kinikilingan o paniniwala sa pulitika o sa mga nagawa nila sa nakalipas na mga panahon o  dahil nga sa sobra na nilang katandaan ng naturang mga personalidad kaya sila ‘nabibiktima’ ng mga mema o pang-iinsulto at nagiging ‘laughing stock.’

Gayunman, tinututukan ko rito ang patuloy na maayos na kalusugan nila sa kabila ng kanilang lubha nang katandaan at mahina nang pagkilos. Hindi nagiging sagabal ang kanilang  tumatanda nang edad sa patuloy nilang aktibong pakikilahok sa agos ng lipunan.  Kahit naman sa ibang larangan sa labas ng pulitika, may mga tao pa rin na patuloy sa kanilang mga regular na aktibidad o gawain sa kabila ng kanilang katandaan hangga’t kaya pa nila. Kahit umabot na sila sa yugto ng pagiging septuagenarian, octogenarian at nonagenarian ay patuloy silang aktibo sa lipunan, lumalahok halimbawa sa iba’t ibang organisasyon o nagpapakaabala sa kanilang mga hobbies. Maaari ring nangyayari ito dahil sa pagsulong ng medisina na nagpapagaling sa iba’t ibang sakit na isa sa mga salik kung bakit humahaba ang buhay ng maraming tao ngayon. Bukod pa rito ang mga pagtataguyod ng maraming institusyon, sektor, indibidwal, organisasyon hinggil sa healthy lifestyle.

Pero, batay sa mga ipinapayo, analisis at pag-aaral ng mga scientist, health expert, mga doktor at iba pang dalubhasa,  hindi dapat maging sagabal ang katandaan sa anumang gawain at aktibidad sa buhay. Lalo nga lang manghihina at magkakasakit ang mga senior citizen kung magkukulong lang sila sa bahay, laging nakaupo o nakahiga at nakatingin sa kawalan. Mas nakakatulong pa sa lipunan kung patuloy na naibabahagi at naiaambag nila rito ang kanilang mga karanasan, kaalaman, karunungan at katalinuhan sa buhay.

KANDIDATO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with