^

Punto Mo

EDITORYAL - El Nido, susunod na isasara kung…

Pang-masa
EDITORYAL - El Nido, susunod na isasara kung�

BUBUKSAN na ang bagong Boracay sa Biyernes makaraang isara ng anim na buwan sa utos ni President Duterte. Hindi pa kumpleto ang rehabilitasyon sa Boracay pero ipinasyang buksan na. Pero nagbabala ang Department of Tourism (DoT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga turista na sundin ang mga tuntunin sa bubuksang Bagong Boracay. Unang-una na ay ang mahigpit na pagpapatupad ng kalinisan sa island resort.

Mahigpit na ipagbabawal ang pagtatapon ng basura sa buhanginan at iba pang lugar sa resort. Ang sinumang mahuhuli ay aarestuhin. Ipatutupad ang citizens arrest sa sinumang mahuhuling nagtatapon ng basura. Noong hindi pa nare-rehab ang Boracay, pawang plastic na bagay ang makikita sa lugar. Itinapon ng mga walang disiplinang turista.

Inihalintulad ng Presidente ang Boracay sa poso negro dahil sa sobrang dumi. “Cesspool” ang Boracay, ayon sa Presidente at agad nag-utos na isara sa loob ng anim na buwan ang resort. Sa kabila na malulugi ang bansa sa pagsasara ng Boracay, hindi ito kinatakutan ng Presidente at sa halip ipinag-utos ang rehabilitasyon at paglilinis. Sobrang dumi ng dagat na nakikita ang mga duming nanggaling sa mga restaurant, hotels, esta-blishments sa paligid ng Boracay. Lahat nang dumi nila ay sa dagat ang tungo. Ngayon, malinis at mabangong Boracay na ang sasalubong sa mga turista.

Pero may posibilidad na ang nangyaring rehab sa Boracay ay danasin din ng El Nido sa Palawan. Ayon sa report, marumi na rin ang EL Nido at kung hindi kikilos ang local na pamahalaan doon, matutulad din ito sa Boracay. Maihahalintulad din sa poso negro, gaya ng sinabi ng Presidente.

Marami rin umanong nagkalat na basurang plastic sa El Nido. At walang ginagawang paraan ang local na pamahalaan doon. Walang disiplina ang mga turista na nagtatapon ng basura habang nakasakay sa mga bangka.

Ayon kay DoT Sec. Berna Romulo Puyat, hindi naipatutupad sa El Nido ang mga ordinansa laban sa pangangalaga sa kapaligiran. Walang pakialam umano kahit masira ang environment.

Kung dapat isara ang El Nido, gaya sa Boracay, gawin ito. Kailangang mapatikim nang pagsasara ang lugar na hindi inaasikaso ng mga local na pinuno. Huwag nang hintayin pang masira ang El Nido bago kumilos.

vuukle comment

BORACAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with