^

Punto Mo

Ilang katotohanan tungkol kay Prince Charles

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… na hangga’t maaari ay hindi gugustuhin ni Queen Elizabeth na malaman ng publiko.

Sabik siya sa pagkalinga ng ina. Pagkasilang kay Prince Charles, hindi na si Queen Elizabeth ang nagpalaki sa kanyang anak dahil sa pagtalima sa kanyang royal duty. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, hindi naging malapit sa isa’t isa ang mag-ina.

Malupit sa kanya ang amang si Prince Philip. Sa kagustuhan marahil na maging ‘tigasin’ ang anak para ihanda sa pagiging hari nito pagdating ng araw, ang nagiging dating nito kay Prince Charles ay binu-bully at minamaliit siya ng sariling ama. Ayon sa psychology, ang batang “inabuso” emotionally ay nagiging people-pleaser at sobrang maramdamin paglaki niya. At iyon ang ilan sa mga ugaling taglay ngayon ni Prince Charles.

Habang nag-aaral sa boarding school, dalawang beses nagkasakit nang malala si Prince Charles ngunit tumanggi si Queen Elizabeth na bisitahin siya. Sa halip ay pinadalhan na lang siya ng liham ng ina.

Noong siya ay limang taong gulang, mga anim na buwang hindi niya nakita ang mga magulang dahil laging nasa biyahe ang mga ito. Nang magkita ang mag-anak, kinamayan lang siya ng ama’t ina. Walang yakap. Walang halik. Samantalang lagi siyang niyayakap ng kanyang Queen Grandma (ina ni Queen Elizabeth). Mas naging close siya sa lola kaysa mga magulang.

Habang nasa boarding school, nagkaroon siya ng “acute homesickness”. Lagi siyang umiiyak habang may kayakap na teddy bear. Ginagawa niya ito nang lihim.

(Itutuloy)

vuukle comment

PRINCE CHARLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with