^

Punto Mo

Karahasan sa halalan, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa tantiya ng ilan, maging ng COMELEC, pinangangambahan na magiging madugo umano ang nalalapit na midterm elections sa susunod na taon.

Eh kasi nga, hindi pa man, nagsisimula ang kampanya, mistulang ramdam na nga ito, dahil sa maiinit na labanan lalo na sa ilang lugar partikular sa mga lalawigan.

Hindi pa man election period , sunud-sunod na ang napapatay na kandidato o kakandidato pa lang sana pero hindi na umabot kahit sa filing pa lamang ng cerfificate of candidacy (COC).

Sa kabila ng lahat ng ito, ibinalita naman ng pamunuan ng PNP ang pagbaba ng krimen sa 17 porsiyento sa unang anim na buwan o kalahatian ng taon.

Base ito sa ipinalabas na data ng PNP’s Unit Crime Periodic Reports (UCPER).

 Base sa tala, sa kabuuang 227,757 insidente ng mga krimen na nairekord mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito ay nasa 17.39 % ang ibinaba ang kriminalidad mula sa dating bilang na 275,702 na nairekord noong nakalipas na taon.

Nabatid pa na ang pagbaba ng index at non-index crimes ay nairekord sa 33.05 % at 13.20 % .

Ang kaso ng murder ay bumaba ng 29. 54 %; homicide  9.47 %, physical injury 33.80 %; rape 24.82 %; robbery 34.40 % ; theft 36.90 %; carnapping ng motor vehicles 36.30 % at carnapping ng motorsiklo 26.61 %.

Sa ngayon maging ang mga petty crimes na inaasahang tumataas sa pagsapit na ‘ber months’ ay bumaba rin.

Pero hindi pa rin dapat maging kampante dahil siguradong marami pa rin ang magsasamantala sa nalalapit na holiday season.

Dapat pa ring mapaigting pa ang police visibility maging ang mga checkpoint sa mga estratihikong lugar.

Pero pagkatapos ng holiday season, eto na nga ang mas dapat paghandaan ang nalalapit ngang halalan at sa pagsisimula ng election period sa Pebrero sa susunod na taon.

Maging ang PNP, aminado na inaasahang tataas pa ang mga insidente ng krimen dahil sa halalan na ito ang dapat na matutukan.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with