^

Punto Mo

Pinakabatang miyembro ng ‘all 50 states club’ matapos marating ang lahat ng US States

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

5-buwan na sanggol

MAY bago nang miyembro ang sinasabing “All 50 States Club” sa America nang magawang bisitahin ng isang limang-buwang sanggol ang lahat ng US states.

Ito’y matapos marating ni Harper Yates at ng kanyang mga magulang ang Vermont, na ika-50 na destinasyon ng paglalakbay ng baby sa buong US, ayon sa ulat ng ABC News.

“We arrived at approximately 4:30 pm ET,” ayon sa kanyang ina na si Cindy Lim na nagsabing masuwerte ang kanyang pamilya na nagkaroon sila ng oras para madala si Harper sa lahat ng 50 states.

Sinimulan niya, ng kanyang asawa na si Tristan Yates, at ni baby Harper ang kanilang paglalakbay noon pang Hunyo kung kailan naka-maternity leave si Lim.

Matagal nang pangarap ng dalawa na mabisita ang lahat ng 50 states. Magkasamang nabisita nina Lim at Yates ang 19 states ngunit naisipan nilang simulan ulit ito nang madiskubre nilang mayroon palang “All 50 States Club”, na isang samahan para sa mga indibidwal na nakapunta na sa lahat ng estado sa US.

Noon nila napagtanto na maaring si Harper ang maging pinakabatang miyembro ng nasabing club. Ayon sa ulat ng ABC ang nag-apply na rin ang mag-asawa sa Guinness World Record para maitala na si Harper bilang pinakabatang indibidwal na nakapunta na sa lahat ng 50 states.

vuukle comment

ALL 50 STATES CLUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with