^

Punto Mo

Utol (23)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPATULOY si Nanay Luisa sa pagkukuwento ukol sa pagbubuntis ni Ca-talina. Nakikinig si Gerald kahit na mayroong nadaramang galit dahil niloko ang kanyang mama – si Mam Sofia sa sariling tahanan.

“Tinanong daw ni Catalina si Sir Jaime kung ano ang gagawin ngayong buntis siya. Natatakot daw si Catalina sa maaaring mangyari kapag natuklasan ni Mam Sofia ang lahat.

“Pero sabi raw ni Sir Jaime, siya ang bahala. Huwag daw matakot si Catalina. Gagawa raw ng paraan si Sir Jaime para hindi malaman ang pagbubuntis. Tinanong daw ni Catalina si Sir kung dapat na siyang umalis, at ang sagot daw ni Sir ay huwag. Siya raw ang magpapasya kung ano ang gagawin. Kaya tumahimik na lang si Catalina at hinintay ang pasya ni Sir. Pero sa kabila niyon, natatakot pa rin si Catalina at baka mahalata ang pagbukol ng tiyan niya. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin sakalit mahalata ni Mam Sofia ang tiyan niya.

“Pero biglang nagkaroon nang malaking pagbabago. Hindi akalain ni Catalina na magbabago ang plano at dapat na pala siyang umalis sa bahay nina Sir at Mam. Mayroong nangyari…’’

“Ano pong nangyari?’’

“Ipinagbuntis ka ni Mam Sofia, Gerald. Wa­lang kaalam-alam si Mam at Sir na may buhay na palang pumipintig sa sinapupunan ni Mam. Kaya pala laging nahihilo at nagsusuka si Mam ay dahil buntis ito. Kaya magkasabay na nabuntis si Mam at Catalina.

“Ayon kay Ca­talina, kinausap siya ni Sir Jaime at hiniling na umalis sa bahay para hindi matuklasan ang pagbubuntis. At walang nagawa si Catalina kundi pumayag. Binigyan daw siya nang malaking pera ni Sir para gamitin sa panga-nganak at sa pagpapalaki sa bata.

“Lihim daw siyang inihatid sa bus terminal. Umiyak daw si Catalina sa pangyayaring iyon.’’ (Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with