^

Punto Mo

EDITORYAL - Mas masarap iboto ang walang asunto

Pang-masa
EDITORYAL - Mas masarap iboto ang walang asunto

HINDI ba puwedeng ang mga tatakbo sa election ay walang kinasasangkutan o kinakaharap na kaso? Maaari bang gumawa ng batas na ang sinumang nagnanais tumakbong Presidente, senador, congressman, governor, mayor at iba pa ay dapat walang nakabinbing kaso o mga reklamo sa korte? Hindi ba dapat i-required na magkaroon sila ng NBI at police clearance bago makapag-file ng kandidatura. Kung ang karaniwang mamamayan na nag-aaplay ng trabaho ay required na magsumite ng NBI at police clearance, dapat ganito rin ang mga kakandidato.

Napakaluwag nang pagtakbo ng mga nais kumandidato sa bansang ito na kahit sandamakmak ang kaso ay pinapayagan. Wala kasing batas na nagbabawal. Malaya ang lahat na tumakbo at marami ang nananalo kahit pa nga may kaso.

Sa May 13, 2019 election, maraming kandidato na nag-file ng kandidatura ang mga may nakabinbin at hinaharap na kaso. Mababanggit dito sina dating senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Ang tatlo ay pawang sangkot sa pork barrel scam at kinasuhan ng graft at plunder ng Office of the Ombudsman noong Hunyo 2014. Ang nagmaniobra ng pork barrel scam ay si Janet Lim Napoles na kasalukuyang nakakulong.

Nakalaya si Enrile makaraang pagbigyan ng Supreme Court na makapagpiyansa dahil sa katandaan at mayroong iniindang karamdaman. Si Jinggoy ay nakapagpiyansa noong Setyembre 2017 pero mayroon pa siyang hinaharap na ibang kaso. Si Revilla ay nananatilng naka-detained sa Camp Crame pero malapit na rin umanong makalaya.

Nag-file rin ng kandidatura si dating Vice President Jejomar Binay at kanyang anak na si Junjun. Ang mag-ama ay nahaharap sa trial dahil sa napakamahal na construction ng Makati City Hall car park. Si VP Binay ay tatakbong congressman at si Junjun ay mayor.

Marami pang iba na tatakbo kahit may hinaharap na kaso. At ang sabi ng Sandiganbayan ukol sa isyung ito, hangga’t hindi raw nako-convict ang defendants, hindi sila madi-disqualify sa pagtakbo sa public office. Malaya silang makatatakbo sa election kahit anong posisyon.

Kung ganun, wala palang magagawa ukol sa mga may nakabinbin na kaso na tatakbo. Nasa taumbayan na ang pagpapasya kung iboboto sila. Pero sana ma-kagawa ng batas na magbabawal sa pagtakbo ang may kaso. Mas maganda kung clear ang pangalan. Mas masarap iboto ang walang kinasasangkutang asunto.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with