^

Punto Mo

Aksidente sa lansangan, sunud-sunod na naman!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nito lamang nakalipas na linggo sunud-sunod ang naganap na malalagim na aksidente sa lansangan, kung saan marami na naman ang nagbuwis ng buhay.

Sa mga insidenteng ito, gaya ng dati, kadalasang sinisisi o idinadahilan ang nawalang preno o kontrol na mga sasakyan.

Kamakailan lamang sa Albay, lima katao ang nasawi nang araruhin ng isang trak ang may 12 sasakyan.

Isang pribadong sasakyan din ang nagdire-diretso sa lobby ng isang ospital na mabuti na lamang at walang nasawi sa insidente.

Kamakailan din niragasa ng isang bus ang waiting area sa Makati kung saan isa ang nasawi at marami rin ang nasugatan.

Mistulang pataas at hindi pababa ang mga road accident sa Pilipinas na sinasabing dahil na rin sa ilang probisyon ng batas na hindi talaga naipapatupad.

Katulad na lamang ng Road Speed Limiter Act of 2016, kung saan ilang piling sasakyan ang sinasabing dapat na lagyan ng speed limiter.

Mahigit isang taon na itong batas pero hindi  pa rin tiyak kung naipapatupad. Mukhang wala pa tayong nababalitaang mga sasakyan na meron nito.

Nagsimula na kaya ang LTO na hanapan ang mga sasakyang saklaw ng batas na tingnan ang mga speed limiter ng mga ito nang magpareshistro.

Partikular ito sa mga closed vans, cargo hauler habang maglalabas pa ng outline specifications ang LTO at LTFRB kung kailangang isama dito ang lahat ng PUVs kabilang ang mg TNVs.

Sa mga malalagim kasing aksidente na nagaganap, kadalasang ang katwiran ng driver ng sasakyang dawit ay palaging nawalan ng preno, hindi kumagat ang preno, nawalan ng kontrol ang manibela at kung anu-ano pa. Pero kapag may nakausap na mga testigo, madalas namang sasabihin mabilis ang takbo ng mga ito, mistulang lumilipad.

Kung ang sasakyan ang may diprensya at hindi ang driver, habulin ang operator dapat kasi na nagsasagawa sila ng regular na inspeksyon sa kanilang sasakyan kung road worthy pa ba ito o kung may diprensya na talaga na maglalagay pa ng panganib sa daan.

Dapat ding sumailalim sa masusing mga pagsisiyasat ang mga driver na sangkot sa malalagim na aksidente, tignan baka hindi ang sasakyan ang may dipresnsya kundi ang driver na lumalabag sa ilang batas.

Pwedeng driver;s error, o kaya ay nakainom, nakadroga, o talagang balasubas at pasaway talaga sa lansagan.

Madalas ito sa mga dambuhalang trak na walang pakiaalam sa kasabayan nilang mga sasakyan dinadaan sa laki.

Sa dami ng walang disiplinang driver sa Pinas, hindi nakapagtataka na mataas ang panganib o aksidente sa lansangan na dapat talagang matutukan ng mga kinauukulang ahensya.

Isama pa ang kakulangan sa mga signages ng speed limit na dapat yata ilagay at ikalat lalu na sa mga pangunahing lansangang na laging magpapapaalala sa mga motorista sa bilis ng kanilang takbo.

Dapat hindi ningas kugon ang mga ahensya sa pagpapatupad ng batas, dapat lang ituloy-tuloy ay hindi sa simula lang pagkatapos balik na naman sa dati.

vuukle comment

NAGBUWIS NG BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with