^

Punto Mo

Mga pangakong napapako tuwing election!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NATAPOS na ang filing of candidacy para sa election next year, kaya babagyuhin na naman ng pangako ng mga pulitiko ang sambayanan. Siyempre, kalimitan dito ay pinaniniwalaan ng mga botante subalit kadalasan dito ay puro boladas lamang. Hehehe! Mga pangako na napapako, di ba mga kosa? Sa totoo lang, umabot sa 152 kandidato ang nag-file ng candidacy para senador, at 185 para sa party-list at kung isama ko pa ang tonggressman...este congressman, gobernador, mayor at iba pang lokal opisyal, aba aabot sa libo ang mga ito, di ba mga kosa? Kaya kung lahat nang mga pulitiko na ‘yan ay mangangako, aba nakakatulig sa tenga ang mga bibitawan nilang pangako. Araguuyyyyy! Kung sabagay, noon pa man ay uso na ang mga pangako ng mga pulitiko at kalimitan ay puro hangin lamang. At buwenas na kapag sa 10 pangako ng pulitiko ay may 1 natupad, lalo na ‘yung madaling magawa. Hak hak hak! Napangakuan na kayo ay gusto n’yo pang tutuparin kapag nakaupo na? Ano bali? Kung sabagay, karamihan sa mga pulitiko natin ay makapal ang mga mukha kaya kapag sinisingil sila ng mga pangako nila, aba marami silang dahilan at ang higit sa lahat, hindi man lang nahihiya, di ba mga kosa?

At ang mga pangako na nasilayan ko nitong nagdaang mga araw ay ang ‘yung kay Mar Roxas na tatakbo bilang senador. Ayon kay Roxas, kung kinakailangan pa ng sambayanan ang serbisyo publiko niya handa siyang tumalima at inisa-isa pa ang mga gagawin niyang proyekto kapag nagtagumpay siya sa darating na midterm election. Subalit ang tanong naman ng sambayanan, bakit hindi nagawa ni Roxas itong mga bagong pangako niya noong nakaupo pa bilang senador, at secretary ng Dept. of  Trade and Industry, Dept. of Transportation and Communication at Dept. Interior and Local Government. Itong kababayan kong si Roxas ay babangungutin din ng mga trahedyang Yolanda, Dengvaxia at iba pang kapalpakan noong panahon ni Pres. Noynoy Aquinoi, di ba mga kosa? Kung bumango si Roxas sa marketing strategy niya na “Mr. Palengke,” uubra pa kaya ang mga bagong pangako ni Roxas sa mga botante? Papatok kaya ang “There’s no quit in me.? Hak hak hak! Noong tumakbo s’yang Presidente, kung anu-anong pakulo na ang ginawa ni Roxas para makaakit ng boto tulad ng pagbuhat ng isang sako ng bigas, bawang at sibuyas; nag-pedicab na naka-suot ng balat na sapatos; nag-motorsiklo na sumadsad; uminom sa pinggan; kumain sa baso; nagmartilyo sa loob ng eskuwelahan at nag-trapik sa ulan, eh hindi niya nalampasan ang pagmumura ni Digong. Tumpak!

Ang isa pang nakatawag ng pansin nang marami ay ang pagtakbong muli ni dating Sen. Juan Ponce Enrile. Kapag nanalo, aba aabot sa 100 ang edad ni Tata Enrile sa pagtatapos ng kanyang anim na taon na termino. Hehehe! Sobra-sobra na ang pera ni Enrile ah pag nagkataon kukubra pa s’ya ng P100,000 kapag naging centennial man na siya, di ba mga kosa? Kung ang «Gusto ko Hapi Ka,» ay pumatok na magketing strategy niya noon, eh itong «May Forever» kaya papatok? Hindi na gagastos si Enrile dahil tulad ni Mocha Uson, ang social media na lang ang gagamitin niya sa kanyang kampanya. Araguuyyyy! Makakalimutan kaya ng mga botante ang plunder case ni Enrile? Hak hak hak! Parehas lang silang may kasong plunder nina dating Sen’s. Jinggoy Estrada at Bong Revilla na parehas ring tumatakbo

Kaya ang payo ng Supalpal sa mga botante, aba ‘wag pansinin itong mga pangako ng mga pulitiko at imbes ay pag-isipan at iboto ang mga kandidato na ang nasa isipan ay ang inyong kinabukasan. Hak hak hak! Meron pa kayang ganyang pulitiko na hindi bulsa service ang nasa isipan? Sana maging matalino na ang mga botante natin dahil sa sobrang haba na ng election na naranasan ko, eh paulit-ulit na lang itong mga pangako na naririnig ko sa ating mga pulitiko. Subalit kapag nakaupo na itong mga pulitiko, karamihan sa kanila ay naging bulag, pipi at bingi na sa mga responsibilidad o public service nila sa sambayanan. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

FILING OF CANDIDACY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with