^

Punto Mo

Bulakbol na, reklamador pa!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KARAMIHAN sa mga lumalapit sa BITAG-KILOS PRONTO Action Center ay may sumbong ng pang-aapi at pana­namantala. Ang kanilang pakiwari, sila ay inabuso, inapi at kinawawa.

Hindi namin sila masisisi. Maaaring para sa mga nagsusumbong ay nilabag ang kanilang mga karapatan at wala silang ibang matakbuhan.

Kapareho nitong sumbong na inilapit samin ng pobreng mason na si Rodel Paler. Reklamo niya, sinibak daw siya ng amo dahil lamang sa isang araw na pagliban sa trabaho.

Inusisa namin at inimbestigahan ang reklamong ito. Nakipag-ugnayan kami sa kompanyang pinagtatrabahuhan niya para malaman ang buong kuwento.

Doon nakausap namin si Rhea Jorquia na time-keeper sa kompanya at kumare rin pala ni Rodel. Paliwanag ni Rhea, pawang kasinungalingan ang sumbong ng kumpare niya.

Aniya, panay tago, panay yosi, panay pahinga, panay absent, at panay reklamo ang inaatupag ni Rodel. Katwiran nito, kahit anong kompanya ay malulugi dahil sa katamaran ng mga trabahador na tulad niya. Magtatrabaho ng walong oras kada araw, kumikita ng above minimum, pero wala namang natatapos na trabaho.

Paglilinaw din ni Rhea, hindi sinibak si Rodel at sa katunayan ay na-promote pa nga. Ginawa nila itong foreman pero sadyang may katamaran lang at ayaw gumalaw. Ilang beses na rin daw niya itong pinagbigyan dahil nga magkumpare’t kumare silang dalawa.

Anak ka ng tinapa, nabisto na! Kaya naman pala sinibak dahil tatamad-tamad. Bulakbol na, reklamador pa!

Mga boss, hindi porke’t close kayo ng isang tao ay aabusuhin mo na ang kabaitan nito. May limitasyon at tamang lugar ang pagkakaibigan. Kung sa trabaho, trabaho lang. Isantabi ang personal na hidwaan kung mayroon man.

Para naman sa mga nagbabalak d’yan na gamitin ang aming programa para magpakampi sa mga gawaing mali, neknek n’yo! Di niyo kami maloloko, mga putok sa buho kayo.

Galit ako sa sinungaling. Dahil ang kapatid ng sinungaling ay mandaraya at kapatid ng mandaraya ay magnanakaw!

Hindi layunin ng Bitag-Kilos Pronto na mamahiya ng tao. Bagkus, sa pamamagitan ng istoryang ito, kayo ay matututo di lang bilang empleyado kundi bilang isang tao.

vuukle comment

REKLAMADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with