^

Punto Mo

EDITORYAL - Drug test sa mga kandidato

Pang-masa
EDITORYAL - Drug test sa mga kandidato

PABOR ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng sorpresang drug test sa mga kandidato sa 2019 elections. Sabi ni PDEA director general Aaron Aquino, kung sorpresa ang gagawing drug test, hindi makapaghahanda ang kandidato. Kung magiging hayagan ang pag-drug test, maaaring hindi muna gagamit ng droga ang kandidato kaya magne-negative siya. Kaya mas maganda umano kung biglaan ang gagawing pag-drug test para tiyak na malalaman ang mga kandidatong lulong sa bawal na gamot.

Maganda ang balak na ito ng PDEA. Kung matutuloy ito, makasisiguro na ang mga uupo ay malinis sa paggamit ng droga. Mahalaga ito lalo pa sa panahong ito na masyado nang talamak ang paggamit ng droga. Sa kabila na matindi ang kampanya ng pamahalaan sa illegal drugs, marami pa rin nakakalusot at naikakalat ang mga ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Maski ang mga liblib na lugar sa bansa, na hindi pa naaabot ng kuryente at malinis na tubig ay naunahan pa ng shabu. Maraming kabataan ang ginagawang halimaw kaya mataas ang krimen.

Dapat suportahan ang balak ng PDEA na isailalim sa drug test ang mga kandida­to. Malaking tulong ito para malutas ang problema ng droga sa bansa. Sa mga kandidato naman na ang hangad ay malinis na pag­­liling­kod, dapat sila na mismo ang magkusang magpasailalim sa drug test. Dito makikita na talagang malinis sila sa droga sapagkat nag­ku­kusa na. Hindi na dapat pang hintayin na magkaroon ng sorpresang pag-drug test.
Sabi naman ng Dangerous Drug Board (DDB), mahigpit nilang ipinaaalala sa mga mananalong kandidato, na dapat kusa silang magpasailalim sa drug test sa sandaling maiproklama na sila. Ang mandatory drug testing sa mga nanalo ay nakasaad sa batas. Walang makatututol dito.

Dapat magpakita ng halimbawa ang mga kandidato na may kaugnayan sa pagsasailalim sa drug test. Manguna sila para makita ng taumbayan na hindi sila sangkot o kaya’y gumagamit ng droga. Ngayon ang panahon para maipakitang kalaban nila ang mga salot na drug traffickers.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with