^

Punto Mo

Utol (18)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“DAHIL mahal daw ni Catalina si Sir Jaime, hindi na niya naisip ang kabaitang ipinakita ni Mam Sofia, asawa ni Sir Jaime. Masyado raw siyang naging alipin nang matinding pag-ibig sa amo. Inaamin niya, may kasalanan din siya. Puwede naman siyang tumanggi sa ginagawa ni Sir Jaime pero nagpaubaya siya. Parang lumalabas na talagang gusto niya ang ginagawa ng amo.’’

Tumigil si Nanay Luisa sa pagkukuwento. Huminga nang malalim. Tumingin kay Gerald. Parang nagtatanong kung itutuloy pa ang pagkukuwento. Tumango si Gerald.

“Sige po Nanay Luisa. Ituloy mo po. Kailangang malaman ko ang lahat.’’

Nagpatuloy ang matanda sa detalyadong pagkukuwento.

“Nang matapos daw ang kanilang pagtatalik ay umiyak siya. Nakita ni Sir Jaime ang kanyang mahinang pag-iyak. Tinanong daw siya nito kung bakit umiiyak. Sagot daw niya, nakokonsensiya siya. Napakabait daw ni Mam Sofia para ganito ang iganti. Pero tinapik-tapik daw siya ni Sir Jaime. Huwag daw siyang makonsensiya.

“Nang itanong daw ni Catalina kung ano ang gagawin kapag nabuntis siya, para raw natuwa pa si Sir Jaime. Nakangiti raw si Sir Jaime.’’

Biglang nagtanong si Gerald. “Bakit natuwa si Papa, Nanay Luisa?’’

“Kasi’y matagal na raw siyang nangangarap magkaroon ng anak. Sabi raw nito kay Catalina, hindi pa nagbubuntis si Mam Sofia gayung matagal na silang kasal. Kaya para kay Sir Jaime, maganda kung mabubuntis si Catalina.’’

“Pero ‘di ba nabuntis din noon ang aking inang si Mam Sofia.’’

“Oo. Hindi nga alam ng Papa mo na buntis na pala si Mam ng mga panahong iyon.’’

Napatango uli si Gerald.

“Ano pa po ang mga sumunod, Nanay?’’

“Naulit ang pagtatalik nila. Noon ay nasa bahay na si Mam Sofia. Tuloy ang kanilang relasyon.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

UTOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with