^

Punto Mo

Ang P1.1 billion lotto jackpot

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MARAMI ang nangangarap ng gising kung ano ang gagawin nila kapag nanalo sila ng bilyon salapi sa P1.1 billion ‘lotto’ draw?

Matinding stress ang inabot ng madlang mananaya na halos hindi makatulog at nakanganga sa ere habang nag-iisip kung anong kumbinasyon ang kanilang tatayaan.

Sabi nga, lahat ng klase ng ‘regla’ ay ginawa nila para tayaan ang naisip na kumbinasyon.

Pati si Boss Digong ay hindi napigilan tumaya sa lotto na nangarap o nagbakasali ring tumama.

Hindi rin biro, biro ang madlang people na naobserbahan natin na pumasok sa loob ng simbahan para manalangin ng mataimtim kapag may 6/58 mega lotto draw dahil panay ang tawag nila kay kay Lord na sana sila ang manalo.

At may mga pangako pang .....kung sakaling manalo ay magpapakabait na sila ? Hehehehe !

Ay naku, Diyos meh!

Yesterday, pumutok na ang balita sa apat na sulok ng bote ng gin na may 2 winners na sa P1.1 billion jackpot price ng PCSO sa paluto este mali sa lotto draw pala nila last Sunday night.

Kaya naman humupa na ang tensyon kahapon nang mabalitaang may dalawang suerteng nilalang ni Lord ang nanalo kaya naman kalmado na ang madlang people sa naunsyaming pangarap nilang maging lucky winner. Hehehe!

Grabe ang mga na ‘stress’ sa ginawang pag-iisip kung anong kumbinasyon ang kanilang tatayaan para makuha ang premyo sa Lotto.

May mga nangupit este mali nangapital pala ng hindi birong salapi para lamang maging instant bilyonaryo oras na tumama.

May mga nangarap nang gising kung ano ang gagawin nila sa malaking halagang salapi kung sakaling sila ang manalo.

Karamihan kasi ng mga tumaya sa awa ng Maykapal ay sa pader tumama. Hehehe!

Ngayon ay makakatulog na nang mahimbing ang mga nangarap ng gising.

Sabi nga, thank you, Lord!

Better luck next time?

Abangan.... ulit ang paluto ng ‘lotto!’

• • • • • •

‘Tulong -Trabaho Act!

Aprobado sa 205 kongresista sa ikatlong at huling pagbasa ang House Bill 8139 o ang ipinanukalang ‘Tulong - Trabaho Act,’ na naglalayong maipatupad ang isang Philippine Labor Force Competency Competitiveness Program at libreng access sa Technical-Vocational Education and Training o TVET.

Sabi nga, si QC 5th District Rep. Alfred Vargas, ang principal author nito!

Ang Bill ay naglalayong palakasin ang mga kwalipikasyon ng mga madlang pinoy workforce upang matugunan ang mga hamon ng mabilis na umuunlad na mga lugar ng trabaho at trabaho mga istraktura.

Ang bill ay tumutukoy sa Philippine TVET Competency Assessment at Certificate System bilang “isang kalidad na panatag na sistema bilang pagkilala sa pagkakamit ng competencies (kaalaman, kasanayan, attitudes, at mga halaga) bilang competency standards para sa middle-level okupasyon. Ito ang proseso ng pagtukoy ng mga antas ng pagiging kwalipikado ng isang tao at isang kasangkapan sa pagtukoy ng pangangailangan ng pagsasanay ng isang tao sa compentency gaps.

Samantala, ang TVET ay tumutukoy sa mga programang pang-edukasyon o training na nakarehistro sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with