Utol (10)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - October 11, 2018 - 12:00am

“SAAN po ba nakatira ang sinasabi mong si Luisa, Nanay Julia?’’ tanong ni Gerald.

“Sa pagkaalam ko ay sa kabilang barangay lamang siya. Hindi ako sigurado. Hindi rin ako sigurado kung totoo ang nabalitaan ko na patay na siya. Kasi’y mas matanda siya sa akin at sakitin na.’’

“Ganun po ba? Sana naman ay buhay siya para may masabi ukol sa hinahanap kong maid na kasamahan niya noon.’’

“Hayaan mo at ipahahanap ko si Luisa. Kapag nakita siya, papupuntahin ko rito para makausap mo Gerald.’’

“Salamat po, Nanay Julia.’’

“Kapag may balita na sa kanya ay agad kong sasabihin sa’yo, Gerald.”

“Salamat po uli, Nanay.’’

Nakadama ng kaluwagan ng loob si Gerald sa mga pinangako ng matanda. At naidasal niya na sana ay buhay pa si Luisa para makunan niya ng impormasyon sa maid na naanakan ng kanyang papa. Malaki ang kutob ni Gerald na ang Luisa na iyon ay may nalalaman sa magandang maid na naanakan.

Kung tatanungin siya ni Nanay Julia kung bakit ganun na lamang ang kanyang pagpupursigi na malaman ang tungkol sa maid na kasamahan ni Luisa, ipagtatapat niya ang katotohanan. Wala na namang iingatang repustasyon dahil patay na ang kanyang papa. E ano kung malaman na mayroon itong naanakang maid. Wala nang epekto sa pagkatao dahil patay na ang sangkot.

KINABUKASAN, binibisita ni Gerald ang mga halaman sa likod ng kanilang mansion nang la-pitan ni Nanay Julia.

“Gerald, buhay pa si Luisa!”

“Talaga po?’’

“Pupunta siya rito!”

(Itutuloy)

UTOL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with