^

Punto Mo

Lotto ticket na nakita sa aparador, panalo ng $1.75 M!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGLILINIS ng aparador ang isang lalaki sa Montreal, Canada nang muli niyang matagpuan ang lotto ticket na binili niya halos isang taon na ang nakalilipas.

Walang balak si Gregorio De Santis na maglinis ng aparador sa kanilang tahanan ngunit nakumbinsi siya ng kaniyang kapatid na babae na gawin ito para makalikom sila ng lumang damit na maaari nilang gawing donasyon.

Mabuti na lamang at masunuring kapatid si De Santis dahil sa gitna ng kanyang paglilinis ay natagpuan niya ang isang lotto ticket na tinayaan niya noon pang Disyembre 2017.

Tinamaan na pala ng ticket ang jackpot na CAN$1.75 milyon (katumbas ng P73 milyon).

Doble-doble pa ang pagkagulat ni De Santis dahil noong una ay inakala raw nito na nasa CAN$1,750 o P73,000 lang ang iuuwi niya.

Muntik na raw tumigil sa pagtibok ang kanyang puso nang malaman niya ang napakalaking halaga na kanyang napanalunan, ayon sa Loto-Quebec.

Nasa apat na dekada nang tumataya si De Santis sa lotto at dati na rin siyang nanalo ng CAN$4,000 (katumbas ng P166,000).

Planong ilaan ni De Santis ang kanyang napanalunan para sa napipinto niyang pagreretiro.

Wala namang binanggit ang mga ulat kung babalatuan ni De Santis ang kanyang kapatid na nag-udyok sa kanya upang linisin ang kanilang aparador na dahilan para mahanap niya muli ang winning lotto ticket.

vuukle comment

LOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with