^

Gawing aviation school ang Nayong Pilipino

BAKAS! - Kokoy Alano (Pang-masa) - October 10, 2018 - 12:00am

MALAKING usapin ang kontratang pinasukan ng mga nagdaang opisyal ng Nayong Pilipino Foundations sa Landing Resort Development Corporation na may planong gawing casino ito na nagkakahalaga ng $1.5 bilyon, kaya mismong si President Digong ay nag-utos na huwag ituloy ito at sinibak lahat ang directors nito.

Ang Nayong Pilipino ay naitayo sa ilalim ng administrasyon ni Pres. Ferdinand Marcos na sumasagisag sa Philippine Heritage at nasa bungad lamang ng Manila International Airport na noo’y isa sa pinakamagandang airport sa Asia. Naging matamlay ang pagbisita rito ng mga lokal at dayuhang turista dahil hindi binigyan ng importansiya ng Cory Aquino administration ang kagandahan nito sa ilalim ng pangangasiwa ni Charito Planas.

Nasa bisinidad nito ang magandang Philippine Village Hotel na pag-aari ng pamilya Panlilio na pinagbintangang isa sa mga Marcos Crony kaya na-sequester ng PCGG pero lalong napahamak ito at nalugi at nabulok lamang.

Pera ang dahilan ng pagkakawindang.

Sa ilalim ng administrasyon ni Noynoy Aquino, sumibol ang transaksyon na gawing casino ang humigit kumulang limang ektaryang lupain na inaprubahan ng Board of Directors sa pamumuno ni Chairwoman Patricia Ocampo na ang naging dahilan ay ang maliit na kinikita nito na hindi sapat sa mga obligasyon ng foundation sa pagpapatakbo ng Nayong Pilipino.

Sa nakalulunod na bilyong dolares, ipinagpalit ng pangasiwaan ng Nayong Pilipino ang tunay na layunin ng pasilidad, kaya pinahintulutan nila ang pagbubukas ng kontrata na magsasarado sa totoong na layunin nito na sa pananaw nang marami ay isang imoral na hakbang.

Ano na ngayon ang gagawin ng administrasyon ni Digong?

Kung gawin na lamang aviation school ng gobyerno, malamang na magkaroon tayo ng mas magagaling na piloto na maaring magtrabaho sa malalaking airline company sa iba’t ibang panig ng mundo. Mahal magpaaral ng aviation course at ito na marahil ang pagkakataon na magkaroon tayo ng competitive school sa buong Asia.

FERDINAND MARCOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with