^

PSN Palaro

Isyu sa US tax ‘di magiging problema kay Pacquiao

Pilipino Star Ngayon
Isyu sa US tax �di magiging  problema kay Pacquiao
At kung mayroon man siyang outstanding tax obligation ay handa siyang resolbahan ito matapos ang konsultasyon sa kanyang mga accountants.

Kapag lumaban sa amerika

 MANILA, Philippines — Walang magiging problema si WBA welterweight champion Manny Pacquiao sa IRS kung muli siyang lalaban sa United States.

At kung mayroon man siyang outstanding tax obligation ay handa siyang resolbahan ito matapos ang konsultasyon sa kanyang mga accountants.

“If the Senator has a pending tax issue with the IRS, he’ll settle it  umbers,” sabi ni  Las Vegas-based international boxing matchmaker Sean Gibbons.

Kasama si Gibbons sa susunod na laban ni Pacquiao katuwang sina MP Promotions’ Joe Ramos at lawyer Tom Falgui.

Wala pang opisyal na pahayag si Pacquiao kung sino ang kanyang susunod na lalabanan at kung saan ito gagawin.

Kamakailan ay sinabi ni undefeated Floyd Mayweather Jr. na muli siyang aakyat sa boxing ring sa Disyembre at itinuro si Pacquiao sa isa nilang pagkikita sa Urban Japan electronic music festival sa Tokyo, Japan.

Ngunit matapos ang ilang araw ay nagbago ng isip si Mayweather at sinabing mapapasama siya sa isang event sa Tokyo sa Disyembre.

Sinasabing isang tune-up fight ang gagawin ni Mayweather bago ang rematch kay Pacquiao.

Gusto ni Floyd na aga­win kay Pacman ang suot nitong WBA belt at dapat ay wala nang idadahilang shoulder injury ang Senador sa kanilang rematch.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with