^

Punto Mo

Ang mang-aagaw ng komisyon

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAGKITA kami ni Sol sa supermarket. Si Sol ay aking kapitbahay at kalaro sa probinsiya. Kapwa kami walong taong gulang nang matuto kaming maghanapbuhay. Kami ang magkapartner sa pagtitinda ng empanada. Inilalako namin iyon sa mga kapitbahay kapag oras ng meryenda sa bandang hapon.

Sa totoo lang, madaya sa hatian ng komisyon si Sol. Halimbawa, 15 sentimos ang aming naging komisyon sa empanada. Sa kanya na ang 8 sentimos at 7 lang ang iaabot sa akin. Katwiran niya:

“Di bale, pulis naman ang tatay mo, may regular kayong kinikita.. Samantalang ang tatay ko ay karpintero lang, paminsan-minsan lang may trabaho. Kaya sa akin na lang itong sobra, ha?”

Wala na akong magawa, nasa palad na niya ang pera. Ala­ngan namang hablutin ko sa palad niya ang pera. Magaling siyang mang-agaw ng sobrang komisyon.

Napag-alaman kong may apo na siya. Ipinagtapat niya sa akin na hindi siya ang legal wife ng kanyang mister. Sabay depensa na maysakit kasi ang legal wife at hindi na nito magampanan ang responsibilidad bilang asawa. This time, hindi na komisyon ang inagaw niya, kundi asawa ng iba.

SUPERMARKET

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with