^

Punto Mo

‘Hitler,’ tumatakbong mayor sa isang bayan sa Peru

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PITUMPU’T tatlong taon matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig ay isang Hitler na naman ang na-ngangarap na makabalik sa puwesto.

Nagsilitawan ang mga poster na nagsasabing “Hitler Returns” sa maliit na bayan ng Yungar sa Peru, kung saan tumatakbo para sa pagka-mayor ang lokal na politiko na si Hitler Alba.

Wala naman daw dapat ipangamba ang mga tao sa pagbabalik ni Hitler dahil ayon kay Alba ay siya ang “good Hitler.”

Hindi raw siya katulad ng Nazi dictator na si Adolf Hitler at ang gusto lang niyang mangyari sa kanilang maliit na bayan kung saan pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ay mabigyan ito ng isang pamahalaang malinis at walang itinatagong korupsyon.

Muntik namang madiskaril ang pagtakbo ni Alba sa pagka-mayor nang sinubukan itong harangin ng isang residente ng kabilang bayan na si Lennin Vladimir Rodriguez Valverde, na nagkataong kapangalan naman ng kilalang lider ng Soviet Union.

Sa huli ay hindi binigyang pansin ang pagharang ni Lennin at makakatakbo pa rin si Alba sa darating na eleksyong gaganapin sa Oktubre 7.

Hindi na kakaiba sa Peru ang mga katulad nina Hitler Alba at Lennin Vladimir dahil uso ang mga pangalan doon na hango sa mga kilalang banyaga kahit hindi pa kaaya-aya ang personalidad.

Noong isang taon lang ay nahirang bilang pangulo ng national football association ng Peru ang isang nagnga-ngalang Osama Vinladen.

Hindi naman daw alam ng tatay ni Alba kung sino si Adolf Hitler nang hanguin niya ang pangalan ng kanyang anak mula sa German dictator. Dati raw ay ginusto pa ni Alba na papalitan ang kanyang pangalan ngunit sa huli ay natanggap na rin niya ito.

vuukle comment

HITLER ALBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with