Ang pamilya Binay, bow!
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - September 25, 2018 - 12:00am

MARAMING madlang people ang nasorpresa ng i-anunsiyo ang pagtakbo bilang kongresista ng 1st district ng Makati City si dating Vice President Jejomar ‘Jojo’ Binay sa 2019 midterm erection este mali election pala.

Ibinida ni Joey Salgado, tagapagsalita ni VP Binay, na tiyak na babanggain ni Jojo si incumbent Rep. Monsour del Rosario, na kasapi sa ruling party ang PDP - Laban oras na pumalaot ang una sa politika.

Natalo si Jojo noong 2016 presidential polls pinangunahan niya ang United Nationalist Alliance o UNA .

Kambiyo issue, tatakbo muli bilang alkalde si Abby Binay Campos at ang watot nitong si Makati City 2nd district Rep. Luis Campos ang dalawang ito ay eligible for re-election samantala ang anak ni Jojo na si Senator Nancy ay eligible for re-election next year.

Sabi nga, takbuhan blues sila!

Ayon sa bali-balita naghahanda at nagmumuni-muni si dating Makati City Mayor Junjun Binay, na tumakbo sa pagka-alkalde ng Makati kalaban ang kanyang utol na si Abby ?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Tignan natin?

Si dating Vice President Jojo, ay nahaharap sa kasong graft, malversation at falsification of public documents tungkol ito sa diumano’y maanomalyang P2.2 billion Makati City parking building at may hiwalay na graft charge na P1.3 billion Makati Science High School Building sa Sandiganbayan.

Si Junjun, ay iniutos na sibakin at may perpetrually disqualified sa public office sabi ng Ombudsman noong Oktubre 2015 ito ay tungkol sa P2.2 billion Makati City parking building tulad ng kaso ng kanyang erpat.

Pero binaligtad ng Court of Appeals ang decision making ng OMB. Pumabor ito kay Junjun noong May dahil hindi ito puedeng ma-sanctioned dahil sa ‘condonation doctrine.’

Ikinabigla naman ni Senator Nancy, ang balitang tatakbo ang kanyang erpat bilang kongresista sa Makati City ang alam daw niya ay pupuntang Italy ang kanyang parents para magdasal doon.

Ang alam natin mas gusto ng taga - Makati ang pamilyang Binay kaya naman hanggang sa mga oras na ito ay hindi natatalo ang kanilang pamilya sa nasabing lugar.

Tuloy kaya ang Junjun vs. Abby  sa Makati ?

Abangan.

JEJOMAR BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with