^

Punto Mo

Ang leksiyon sa napanis na kare-kare

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Last Part)

PAGKARAANG piliin ang finest ingredients para sa kare-kare at lutuin ito sa espesyal na paraan, nabigo ako sa aking objective na pakainin ang aking mag-aama ng Kare-Kareng may kakaibang sarap. Bago pa man ito sumayad sa kanilang nananabik na dila, ang kare-kare ay napanis.

Noon ko na-realize na ang pagluluto ng kare-kare ay parang pagsisikap ng mga misis na maging “perfect wife” sa mata ng kanilang mister. May isang babae na nagsisikap maging seksi. Sinisikap niyang maging perfect ang kanyang skin para maging kaakit-akit sa kanyang mister. Naghahanapbuhay na, siya pa rin ang kayod-kalabaw sa mga household chores. Gusto niyang magmaganda sa asawa kaya hindi siya kumukuha ng maid. Siya lahat ang gumagawa.

Pagdating sa pagiging ina, aba, sinisikap niyang mataas din ang magiging “grade” niya rito. Mababait ang mga anak niya at mga honor students pa. Lima ang anak niya pero mula panganay hanggang bunso ay honor students. Nasa elementary at high school ang mga anak niya. Wala pang nagkokolehiyo.

Okey naman ang relasyon ni Misis sa kanyang in-laws pero may isang pangyayari na nakaaway niya ang isang hipag. Seryoso ang isyu. Nakialam na pati ang iba niyang bayaw at hipag. E, makapamilya ang kanyang mister. Hindi niya inaasahang kakampi ito sa magulang at mga kapatid. Inilaglag siya ni Mister. Iniwan sa ere. Noon niya napagtanto na kahit anong pagsisikap ang kanyang gawin para maging good wife and mother, talagang poor second lang siya sa priority ng kanyang asawa. Hindi pala ganoon kalalim ang pagmamahal sa kanya ng asawa. Hindi naman sila naghiwalay mag-asawa. Pero naroon na ang “lamat” sa kanilang pagitan. At “napanis” din ang reputasyon niya sa pamilya ng kanyang mister.

Parang pagluluto ng kare-kare. Kahit anong galing mo sa pag­luluto, napapanis din ito nang mas maaga sa ‘di mo inaasahang pagkakataon. May mga elemento kasi na nagko-contribute sa maagang pagkapanis. Mainit na panahon sa kare-kare. In-laws naman sa Misis.

vuukle comment

KARE-KARE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with