^

Punto Mo

Matandang Tinali (225)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“WALA nang manggugulo sa atin, Joy. Nagwakas din ang kasamaan ni Joemari,” sabi ni Dong habang hawak ang kamay ni Joy. “Maaari na tayong pakasal.”

Sa narinig na iyon ay biglang napaiyak si Joy. Masayang-masaya siya.

“I love you Dong.’’

“Love you too.’’

Nakita ni Manong Naldo ang matamis na pagmamahalan ng dalawa. Naisip niya, talagang para sa isa’t isa ang dalawa.

Hanggang sa makarinig sila ng mga taong nag-uusap. Papalapit sa kanila ang mga tao.

Mga pulis at PDEA ang dumarating!

Nasa unahan si Dolfo.

Nakahinga nang maluwag sina Dong. Tapos na nga ang bangungot.

Ipinakita ni Dong ang bangkay ni Joemari sa hepe ng PDEA. Nagkalipunpon ang mga pulis sa paligid ng hukay.

Ikinuwento ni Dong ang buong pangyayari sa hepe kung bakit nasa hukay si Joemari.

Si Manong Naldo ang sumipa rito kaya nasiyut sa hukay. Nagtanggol si Manong Naldo sa sarili.

Napatangu-tango ang hepe.

Maya-maya pa, inatasan niyang iahon na ang bangkay.

Nang maiahon, siniyasat ng SOCO at dinala na ang bangkay.

Umalis na ang mga pulis at PDEA makaraang sabihin ng hepe na ipapatawag na lang sina Dong kung may itatanong ukol kay Joemari.

Ipinasya ni Dong na puntahan ang kubo nila ni Joy.

“Puntahan natin ang kubo baka may maisalba pa tayo.”

(Itutuloy)

vuukle comment

JOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with