^

Punto Mo

EDITORYAL – Hustisya sa wakas

Pang-masa
EDITORYAL � Hustisya sa wakas

HABAMBUHAY na pagkabilanggo ang hatol ng Malolos Regional Trial Court kay retired Army General Jovito Palparan dahil sa pagdukot sa dalawang babaing estudyante ng University of the Philippines (UP) noong 2006. Bukod kay Palparan, hinatulan din ng life sentence ang dalawang tauhan nito na sina Lt. Col. Felipe Anotado at Staff Sgt. Ed­gardo Osorio. Ang isa pang tauhan ni Palparan ay hindi pa nadadakip.

Labindalawang taon ang lumipas bago nakamit ng mga estudyanteng sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan ang hustisya. Bagama’t hindi pa natatag­puan ang dalawa mula nang dukutin sa Bulacan noong 2006, magaan na rin ang kalooban ng mga kaanak nito sapagkat ang itinuturong utak ng pagdu­

kot ay nahatulan na ng habambuhay. Inatasan din ng korte sina Palparan at dalawang tauhan na magbayad ng tig-P100,000 civil indemnity at P200,000 para sa moral damages. Pagkatapos basahan ng sentensiya, agad iniutos ng judge na dalhin sa National Bili­bid Prisons (NBP) ang tatlo. Minura pa umano ni Palparan si Judge Alexander Tamayo, makaraang basahin ang sentensiya.

Si Palparan na binansagang “berdugo” ng mga militante ay nahuli noong Agosto 2014 mula nang magtago noong Disyembre 2011. Limang milyong piso ang reward sa “berdugo”. Tatlong taon siyang nag­tago bago nahuli sa isang nirerentahang bahay sa Sta. Mesa, Manila, malapit sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Mga agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nakahuli kay Palparan. Hindi na nakaporma si Palparan nang paligiran ang bahay. Maski sa mga bubong ay nag-akyatan ang mga agent para masigurong hindi makakatakas ang dating general. Nagpahaba ng buhok at balbas si Palparan para hindi makilala.

Natapos din ang paglilitis kay Palparan at mga kasama na inabot nang maraming taon. Ganunman, kahit matagal, nanaig pa rin ang batas at habambu­hay makukulong ang mga akusado. Sana, matapos na rin ang paglilitis sa iba pang karumal-dumal na kaso at makamit na ang hustisya.

vuukle comment

JOVITO PALPARAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with