Paghahanda sa malakas na bagyo!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - September 14, 2018 - 12:00am

Todo handa na ang gobyerno sa pagtugon at pag-ayuda sa pangangailangan ng ating mga kababayan na maaapektuhan ng malakas na bagyong Ompong.

Sana todo handa na rin ang ating mga kababayan.

Bagamat target ng pamahalaan ang ‘zero casualty’ sa pananalanta ng bagyo, siyempre wala rin itong katiyakan dahil sa wala namang nakababatid sa kung ano ang magi-ging sitwasyon.

Malaking bagay ang pagkakaisa sa ganitong panahon.

Hindi dapat maging pasaway, lalu na sa panawagan ng mga opisyal ng pamahalaan partikular sa paghahanda at paglikas hangga’t maaga.

Marami ang naging aral o leksyon na natutunan hindi lamang sa bagyong Yolanda kundi sa iba pang bagyo na nagdaan na dapat na maisakatuparan.

Kabilang nga ang preemtive evacuation hangga’t wala pa ang bagyo. Ang paghahanda sa mga pangangailangan tulad pagkain at tubig.

Sa panig naman ng pamahalaan sana maihanda nang maaga ang relief goods na madala sa iba’t ibang lugar nang hindi na abutin ng aberya sakaling masira ang mga daan o kalsada.

Ilan lang ito sa mga naging aberya noon nang manalanta ang bagyong Yolanda na bagama’t marami ang naihandang relief sa mga naapektuhan hindi naman maipasok dahil sa nasirang mga tulay at lansangan kaya inabot ng taggutom ang marami nating kababayan.

Hindi lang sa mismong pananalasa ng bagyo, dapat nakatutok ang gobyerno kundi maging pagkatapos nito.

Matutukan din sana ang presyo ng bilihin na siguradong gagawing dahilan ang bagyo para makapagtaas ng presyo.

Bantayan ang mga mananamantala.

Kailangan ang pagkakaisa at kooperasyon ng bawat isa, sa ganitong mga pagkakataon naman sanay na ang mga Pinoy na laging nakakabangon.

BAGYONG OMPONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with