^

Iwasan ang gigil, pagkain sa lamesa ang atupagin!

BAKAS! - Kokoy Alano (Pang-masa) - September 12, 2018 - 12:00am

HINDI nauunawaan ng milyong Pilipino kung ano ang inflation at bakit humina ang piso laban sa dolyar na nagpapahirap ngayon sa mga Pilipino. Ang alam lang ni Juan dela Cruz ay magtrabaho at pagkasyahin ang kinikita, pero papaano kung hindi nga kasya? Dadaing at magsisintir lang si Juan!

Isang punto ito na dapat ay may pinag-aralan ang mga barangay officials para maipaliwanag nila sa constituents nila ang dahilan ng kahirapan at mga remedyong kayang ipayo ng barangay sa ganitong pagkakataon. Tandaan natin na ang mga barangay officials ay pinasusuweldo natin at karapatan natin na singilin sila ng serbisyo!

Sen. Sonny Angara at Jason Aquino magpaliwanag kayo!

Nawindang ang budgeting ng bawat tahanan sa pagpapatupad ng Tax Reform Accelaration and Inclussion (TRAIN ) law na inisponsoran ni Sen. Sonny Angara. Nagmahal ang produktong may halong asukal, alcohol at tabako na sinabayan pa ng 6.4% na inflation at kawalan ng sapat na supply ang NFA ng bigas, kaya sumasakit ang ulo ni Pres. Digong ngayon. Maaring nakaligtaan ni Angara at Aquino na ang asukal ay kapatid ng bigas para sa lamesa ng mga mahihirap. Huwag n’yong ibunton sa Malacañang ang pagpapaliwanag dahil kayo ang may gawa nito.

Magtanim sa bakuran, mangikil sa politiko ay iwasan!

Walang mangyayari kung hihikayatin natin ang tao na magrebelde laban sa gobyerno, bagkus ay palawakin natin ang ikabubuhay na pananim sa mga bakuran at iwasan muna ang mga layaw sa panahon ng krisis. Humanap tayo ng alternatibong paraan at huwag sumakay sa mga isyung pang-gobyerno kung hindi nauunawaan ito. Magtanim tayo ng kahit anong gulay na hindi nagangailangan ng gastos. Mas ligtas kainin ang pananim na walang fertilizers at insecticides.

Huwag tayong umasa at mangikil sa mga pulitiko, manapa’y pumili na kayo ng pulitikong hindi mahilig sa suhol-proyekto maiboto lang, na pagkatapos ay bahala na kayo sa buhay n’yo!

NFA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with