_pang-masa
^

8 bits of advice

DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - September 10, 2018 - 12:00am

Don’t worry kung ano ang iniisip ng ibang tao sa iyo dahil sila ay busy sa pag-iisip kung ano ang iniisip ng ibang tao sa kanya.

Kung nakakaamoy ka ng tae, huwag munang magbintang, i-tsek mo muna ang iyong tsinelas at baka ikaw pala ang nakatapak at may bitbit na baho.

Ang ipa-pack lang ay ‘yung kaya mong bitbitin habang tumatakbo.

Ang pagiging magaling ay hindi ‘yung mas magaling ka pa sa ibang tao kundi mas magaling ka pa sa dati mong kakayahan.

Kung mali ka, aminin mo. Kung napatunayan mong tama ka, mas malakas ang impact kung mananahimik ka.

Kung ayaw kumatok ng oportunidad, baka naman kailangan mong gumawa ng pintuan. Wala ka palang pintuan kaya walang kumakatok.

Kung isisisi mo lagi sa ibang tao ang maling nangyari, huwag ka nang umasa na bubuti pa ang kalagayan mo.

Bago malungkot nang sobra  dahil sa isang pangyayari, tanungin mo muna ang iyong sarili: May epekto pa ba ang nangyari kung ako ay 90 years old na? Kung NO, bigyan mo lang ng 30 minuto ang sarili na magnilay-nilay, then, tapusin na ang lungkot-lungkutan.

TIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with