^

Tips and Tricks

DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - September 6, 2018 - 12:00am

Kapag nawalan ng boses dahil sa sore throat: Mag-gargle ng tubig na hinaluan ng hot sauce. Ang capsaicin na taglay ng sili ay makakatanggal ng pamamaga ng vocal chords.

Sa public toilet, mas mainam na tuyuin ang kamay ng paper towel kaysa hand dryer. Ang bacteria na natatanggal ng paper towel ay 45 to 65 percent. Mas dumadami ang bacteria sa kamay kung hand dryer ang gagamitin para magpatuyo ng kamay. Ang hand dryer ay warm at mamasa-masa na ideal place sa mga bacteria.

Mas mainam na gamitin ang chalkboard eraser para punasan ang fog sa windshield.

Paano mo ipapalaman sa tinapay ang frozen butter? Gadgarin ito sa cheese grater para mabilis nang mai-spread sa tinapay.

Nagiging matabang ang pagkaing isinisilbi sa eroplano dahil kapag tayo ay nakasakay sa eroplano, ang sense of smell at taste ay nababawasan ng 20 to 50 percent.

Para bumilis ang pagbabasa, ngumuya ng chewing gum para maging focus ang iyong utak sa pagbabasa.

Maglagay ng chalk sa jewelry box para maiwasang mag-moisture ang mga alahas. Nababawasan ng kinang ang alahas kapag ‘nagpapawis’ ang jewelry box.

Kapag naglilipat ng bahay, mas mainam na ilagay ang books sa maletang may gulong at huwag sa box na mabilis masira kapag sobrang bigat.

TIPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with