^

26-anyos na lalaki sa china, pinutol ang ari dahil sa kabiguang magka-girlfriend

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - August 26, 2018 - 12:00am

DAHIL sa kabiguang makahanap ng girlfriend, ipinasya ng 26-anyos na factory worker na si Yang Hu na putulin ang ari. Wala na raw itong silbi. Si Yang ay taga-Eastern  China na dumayo sa Jiaxing para magtrabaho.

Masyadong depressed na si Hu dahil mula nang magtungo sa city para magtrabaho ay hindi pa siya nakakakita ng magiging girlfriend.

Lalo pang lumiit ang kanyang tsansa na magkasiyota nang ilipat siya sa panggabing shift sa kanyang trabaho. Siya ay nagtatrabaho sa isang clothing factory sa Jiaxing. Mahaba ang oras ng kanyang trabaho at wala nang panahong makapanligaw.

Dahil sa depression, ipinasya niyang putulin na ang “pagkalalaki” dahil wala naman daw itong silbi. Kung wala na raw ang kanyang ari hindi na siya mag-iisip pang manligaw.

Subalit makaraang putulin ang ari, nagbago ang pasya niya at nagtungo sa hospital para magpagamot. Gusto rin niyang ikabit muli ang pinutol na ari.

Pagdating sa ospital, sabi ng mga doktor na kunin ang bahaging pinutol. Bumalik muli si Hu sa bahay at kinuha ang pinutol na ari.

Pero nang dumating siya sa ospital, sabi ng mga doktor ay hindi na puwedeng ikabit dahil naubusan na ng dugo.

Sising-sisi si Hu kung bakit pinutol niya ang ari. Hindi siya dapat nagpadalus-dalos sa pasya.

(Source: www.oddee.com)

GIRLFRIEND
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with