^

Punto Mo

Huling baraha ni Digong, alas na sana!

BAKAS! - Kokoy Alano - Pang-masa

NILIWANAG ni PNP chief Oscar Albayalde na ang P5 million bounty na ibibigay ni President Digong ay mapupunta sa informers na makapagtuturo kung nasaan at sino ang positibong ninja cops.

Kinabahan din si Albayalde na baka magpista ang mga sibilyan sa pagtokhang sa mga  pulis niya dahil kilala sila ng mga sibilyang humahango sa kanila ng droga. Delikado talaga!

• • • • • •

Dayuhang drug at sex dealers, isunod na!

Karamihan sa mga menor de edad na nagbebenta ng katawan ay malamang na pinagagamit ng droga, kaya doble ang kasalanan ng mga miyembro ng sindikatong ito. Kailangan na ring imbestigahan ang mga demonyong dayuhang nagmamay-ari ng mga private resort at entertainment bar na ipinapangalan nila sa handlers nilang kababayan natin. Nagtatago sa pagiging turista o foreign investors samantalang puro kawalanghiyaan ang gawain at nagbubugaw sa mga musmos nating kababaihan sa customers nilang kapwa nila dayuhan. Masahol pa sila sa hayop!

• • • • • •

BID alertuhin na rin

May umuugong na kumikita diumano nang malaki ang ilang opisyal ng Bureau of Immigration and Deportation sa mga overstaying, blacklisted at mga may derogatory records na mga dayuhan sa bansa, at balita pa na mula P100,000 hanggang P150,000 daw ang tara ng ilang bugok na opisyal ng BID para sa visa extensions ng mga tarantadong dayuhan sa bansa.   Matagal na ang mga ganitong gawi ng mga ugnayang kagaguhan ng mga undesirable ­foreigner at bugok na BID officials. Hahalukayin ko ang mga ito para bullseye na mahubaran ang magkakakutsaba. Wait lang!

• • • • • •

DOH, DepEd at DPWH officials dapat may mabitay!

Ang mga government doctor,engineers at school officials na kakutsaba ng mga pulitiko ay dapat panagutin  na may mabigat na parusa, lalo na kung ang pondong dinekwat  ay para sa ospital at eskuwelahan, dahil ang dalawang ito ang pangunahing pundasyon na pinangagalingan ng lakas at talino ng manggagawang Pilipino na nagpapalusog sa ekonomiya at karagdagang pondo ng bayan kapag nakapagtatrabaho na sila sa loob man at labas ng bansa.

Ang mga gusali at mga kalsada ay dapat na maayos ang pagkakagawa, lalo na ang farm to market roads dahil nakasalalay dito ang pangkalahatang biyaya mula sa ating magsasaka at mag-aaral na taga-probinsiya na nahihirapang magtungo sa eskuwelahan dahil walang matibay  na tulay at maayos na lansangan dahil ninanakaw nila ang pondong nakalaan dito. Dapat  lamang na parusahan din pati ang amo nilang mga pulitiko na author ng ghost projects. Dayuldok na kriminal ang mga ‘yan kaya nararapat bitayin! Agree?

vuukle comment

OSCAR ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with