^

Punto Mo

Pinakamalaking piyesa ng chess, matatagpuan sa Missouri

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TINALO ng mga miyembro ng World Chess Hall of Fame ang world record na sila rin mismo ang nagtala matapos silang makagawa muli ng pinakamalaking piyesa ng chess sa buong mundo.

May taas na 20 talampakan ang king na piyesang kanilang ginawa. Sa laki nito ay pasok na ito kaagad nsa 2019 edisyon ng Guiness Book of World Records bilang “largest chess piece in the world.”

Naka-display ang “hari” sa gitna ng Saint Louis’ Central West End sa Missouri, USA at sa harap mismo ng tanggapan ng World Chess Hall of Fame, kung saan maaring  makita ang dambuhalang piyesa na gawa sa African Sapele mahogany.

Inabot ng ilang linggo ng pagpaplano at pagkakarpintero ang paggawa sa piyesa, na nakumpleto noong 6 April 2018. Nahigitan nito ang dating record-breaking na piyesa na ginawa noong 2012, na umabot lamang sa 14 talampakan at 7 pulgada ang taas. Katulad ng bagong world record holder ay isa ring hari ang piyesa na ginawa noong taong iyon.

vuukle comment

WORLD CHESS HALL OF FAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with