^

Punto Mo

NBI-QC branch, ‘serbisyo super bilis’

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

TUWANG-TUWA ang madlang people na kumukuha ng NBI clearance sa tanggapan ni Raul Angeles, hepe ng QC NBI branch, dahil sobra ang bilis nito halos 15 minuto tapos na ang iyong NBI clearance kapag renewable.

Ibinida ni Angeles, na paperless na ngayon ang pagkuha ng NBI clearance dahil online na ang application at maaaring bayaran sa LBC at sa mga online banking.  

Sa online tatanungin ka kung saan NBI banch mo gustong kunin ang iyong clearance. Samantalang ang mga renewals naman ay ibibigay lang ang ID at pag na check na dati ka ng kumuha ng NBI clearance, wala pang 15 minuto, release agad ang clearance mo.

Ika nga, presto, you can go home early !

Tiniyak ni Angeles, na wala ring siksikan sa pagkuha ng clearance sa kanyang office dahil may appointment sa umaga at hapon sa pagkuha.

Sabi nga, 75 madlang people ang kukuha sa umaga at 75 naman sa hapon.

Puedeng ipagmalaki ang tanggapan ni Angeles sa madlang people sa NBI QC hall compound dahil inayos na ito at pinalaki ang mas maganda pa dito ay malamig ang lugar.

Nagpapasalamat tayo sa tulong na ginawa ng NBI people sa mga kaanak ng Quesejoda ng magtungo ang mga ito sa nasabing place.

Sabi nga, thanks a lot, Sir Raul !

• • • • • •

 Senatorial slate ng Hugpong ng Pagbabago

Umalagwa ang partidong itinatag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte - Carpio, ang Hugpong ng Pagbabago, naging talk of the Philippines my Philippines ito kaya naman maraming politiko ang inaasahan kakalas sa kanilang mga partido at malamang lumipat  dito ?

Sa unang saltada malakas ang senatorial slate line-up sa Hugpong ng Pagbabago, gusto sila ng madlang pinoy ang mga ito ito ay kinabibilangan nina  SAP Bong Go, Presidential Spokesman Harry Roque, Senators Cynthia Villar, JV Ejercito at Sonny Angara, Reps. Pia Cayetano at Zajid Mangudadatu, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at Bureau of Correstions chief Ronald dela Rosa.

Naku ha !

Mga panlaban ito.

Sa ginawang survey dyan sa probinsiya ng Mindanao angat ng 76% si Bong sa mga taga - Davao at siyang ang nasa top spot hindi na natin ibibida kung pang ilan pa ang mga nasa senatorial slot ni Mayor Inday.

Sinasabing may 4.9 million ang Davao voters .

Nagulat ang madlang people dahil sa ginawang survey ay nasa 2nd spot si Bato at siempre pasok si Mayor Inday sa pagka- Senator.

Sinasabing si Boss Digong lang daw ang makakapagbago ng thinking ni Bong kung papalaot ito sa politics next year.

Abangan.

vuukle comment

SARA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with